^

PSN Showbiz

Historians, educators at iba pa, naalarma sa ‘utak’ ng aktres na si Ella Cruz

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Historians, educators at iba pa, naalarma sa ‘utak’ ng aktres na si Ella Cruz
Ella Cruz.

Number one trending si Ella Cruz kahapon sa Twitter.

Marami kasing naalarma na kinumpara niya ang ‘history’ sa ‘tsismis.’

Though alam mo namang for the promotion ang naging statement niya ng pelikulang Maid In Malacañang na naka-focus diumano sa totoong kaganapan sa huling 72 hours ng pamilyang Marcos bago sila napatalsik noon sa Malacañang at lumipad sa Hawaii na base sa ‘reliable source’ ng kontrobersyal director na si Darryl Yap.

Sinabi kasi ni Ella sa ginanap na presscon na : “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.”

Maraming uminit ang ulo na ganun na pala kababa ang level of intelligence ng mga young generation ngayon dahil hindi na nila alam ang difference ng tsismis and history.

Baka naman din daw ‘di alam ni Ella ang definition ng disinformation na ayon sa https://www.merriam-webster.com/ : “false information deliberately and often covertly spread (as by the planting of rumors) in order to influence public opinion or obscure the truth.”

Opinion naman ng isang kilalang educator, “One has to distinguish between historical fact vs. opinion.

“While it is true that the interpretation (usually, the “why”s) of what happened can be subjective, there are historical facts (the “what”) that are indisputable and can be proven by records and documents.

“So we have to first clarify what point is being talked about.”

Ahh, mahaba-habang usapan ito.

Pero ang isang sigurado rito, effective ang slant nila sa Maid In Malacañang, pinag-usapan si Ella na never nangyari sa mga dating project niya.

Well, on point din naman ang sentiment ng ibang estudyante na ganun na ba talaga ang mga kabataan, parang disoriented na sa history at parang twisted na raw ang ‘mind’ ng iba dahil sa epekto ng social media.

Gaganap si Ella na Irene Marcos sa pelikula.

Pero ang bottomline, si Yap ang nagwagi at tiyak ini-enjoy ang ingay ng kanyang latest ‘obra’ para mas tumaas ang kanyang ‘market value.’

ELLA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with