Sanya, gaganap namang Maria Clara?!

Mataas ang rating ng finale week ng First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Tinutukan nila sa bahay at naghuhulaan na sila kung magkaka-book three pa ba ito pagkatapos maging presidente roon ni Melody Acosta na ginagampanan ni Sanya.

Hindi lang tayo sure diyan, dahil moving on na sila sa kuwento. Pero hindi pa ang buong cast dahil lumalim ang kanilang friendship lalo na ang grupong The Dears nina Sanya.

Sabi nga ni Kakai Bautista, in-assure nilang regular pa rin silang magkikita-kita, para makapag-bonding.

Ang tanong nga namin, may time na kaya ngayon magka-lovelife si Sanya?

Hindi pa rin naman daw nagma­madali ang Kapuso actress.

Mas gusto pa rin niyang mag-focus sa trabaho, dahil pagkatapos ng taping sa First Lady, tuluy-tuloy pa rin daw ang trabaho niya.

Excited daw siya sa bagong papa­sukin niya, ang recording.

‘Yun daw ang aabangan natin, ang ini-record niyang kanta sa GMA Music.

Ani Sanya, “Actually marami pang plans at shows na naka-line up. Kaya ‘yung pahinga baka hindi ko pa s’ya mae-enjoy sa nga­yon. Bukod sa acting gusto ko rin ma-try ang recor­ding. At may nakahanda rin ako na bagong kanta para sa mga sumusubaybay sa akin. Magugustuhan nila’ yon dahil upbeat. Title is Hot Maria Clara. Malapit na rin ang launching nito.”

Pero may nasagap din kaming bagong project ang GMA 7 na isang historical serye na Maria Clara at Ibarra.

Si Sanya raw ang isa sa pinagpipiliang gumanap bilang Maria Clara at si Dennis Trillo ang Ibarra.

Puwede naman, ‘di ba?

Ruru, tuhog

Nasa South Korea si Ruru Madrid para sa taping ng Running Man Ph. Kaya hindi niya personal na ipu-promote ang bagong adventure serye niyang Lolong na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.

Pero nakapag-tape na ang Kapuso hunk ng promo niya sa All-Out Sundays na mapapanood ngayong araw.

Hindi naman siya pinabayaan ng co-actors niya na naging close niya at minahal ang project na ito.

Bukod pa riyan, ang buwayang si Dakila ay nag-ikot pa sa ilang bahagi ng NCR para aware ang taumbayan sa pagsisimula ng seryeng ito.

Pinagkaguluhan itong 22-footer animatronic crocodile na nakasakay sa isang truck na nakatali at nakapiring ang mata.

Ang daming nagpa-selfie na buong akala nila totoong buwaya talaga, pero nalaman din nila na si Dakila pala ito ang kaibigan ni Ruru sa Lolong.

Pero thankful si Ruru na nandiyan ang suporta ng co-actors niya na hindi bumitaw sa struggles na pinagdaanan nila sa mahigit dalawang taong taping ng adventure-serye na ito.

Ang daming problemang inabot nito kaya tumagal ang taping at akala nga namin ay hindi na nila itutuloy. Hindi sila sumuko.

Sabi nga ni Ruru sa nakaraang mediacon ng Lolong, “Dahil po sa kanilang lahat na katabi ko dito.

“Dahil po sa bumuo ng produksyon, sa mga tao na bumubuo po ng show na ito. Sila po ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko.

“Sa kabila ng mga challenges at mga problema na pinagdaanan namin sa show na ito, sila po ang nagsisilbing inspirasyon ko para matapos ang programa na ito, dahil nakita ko ‘yung pagmamahal ng bawat isa sa show na ito. Walang sumuko, walang umayaw… kumbaga lahat lumaban. Kaya anong karapatan ko para sumuko, kundi dapat na lumaban pa rin ako.”

Show comments