^

PSN Showbiz

Annabelle, Ruffa at Jinkee, biktima rin ng pekeng advertisement

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Annabelle, Ruffa at Jinkee, biktima rin ng pekeng advertisement
Ruffa at Annabelle.

Magsusuplong sa NBI…

Nakakaloka ang isang healthy cereal product daw na obvious­ly ay gawang abroad dahil sa panggagamit sa ilang mga celebrity sa kanilang website at social media accounts, huh!

Biktima ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez at Jinkee Pacquiao ng produktong ito na fake ang advertisement nila na pinala­labas na endorsers ang tatlong nabanggit na celebrity.

Naku, Ateng Salve, thanks to you dahil nabuking kaagad ni Tita Annabelle ang fake advertisement na ‘yon.

Kaharap ko nga ang nanay ni Ruffa nang i-forward sa akin ni Ateng Salve ang panggagamit sa kanila ng nasabing healthy cereal product.

Natural, nairita ang beauty ni Tita Annabelle, huh!

Maganda pa naman ang mood niya kahapon dahil nagbabasa siya ng mga komento ng madlang pipol kaugnay ng pagiging Sexy Authori-Team nila ng anak na si Raymond Gutierrez sa Sexy Babe segment ng It’s Showtime.

Ang picture nila na ginamit sa fake advertisement na ‘yon ay kuha nang dalawin nila si Jinkee sa bahay nito sa Forbes Park, Makati City.

Kaagad ngang tinawagan ni Tita Annabelle ang kanyang lawyer para i-consult ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Sabi ni Tita Annabelle, balak nila ng kanyang legal counsel na pumunta sa NBI para mag­reklamo.

Wala pang reaksyon si Ruffa tungkol dito dahil busy siya sa shooting ng Maid in Malacañang ng Viva Films sa direksiyon ni direk Darryl Yap.

Si Jinkee naman, nasa Europe pa kasama ang mister na si former senator Manny Pacquiao at mga anak at ang alam namin ay sa Tuesday pa ang balik nila sa bansa.

Malamang, gagawa rin ng legal action si Jinkee sa panggagamit sa kanila ng nasabing healthy cereal product, huh!

Naku, Ateng Salve, marami na talaga mga celebrity ang ginagamit ng nasabing produkto kaya dapat lang na huwag silang tantanan!

Sabi nga ng isang kaibigan ni Ruffa, “Ang kapal!”

Karylle, kay Zsa Zsa nagsa-shopping

Kahapon sa backstage ng It’s Showtime, pinuri ko ang damit ni Karylle at nag-thank you naman siya agad. “Damit din ba ng mommy mo ‘yan?”

“Yes!,” sagot niya.

Aminado naman si Karylle na mga damit ng nanay niya ang madalas niyang isuot sa It’s Showtime.

Yes, kesa sa mag-mall daw siya at maubos ang oras niya, sa mga damit na lang ng nanay niyang si Zsa Zsa Padilla nagsa-”shopping’ si Karylle.

“Mas nakakapag-bonding pa kami ni Mommy!,” tsika pa ng isa sa mga host ng It’s Showtime.

‘Yun na!

ANNABELLE RAMA

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with