MANILA, Philippines — Matapos burahin ang lahat ng kanyang post sa Instagram, nag-post muli ang singer na si Jake Zyrus ng kanyang mga larawan at mensahe sa huling araw ng pagdiriwang ng Pride Month kahapon, June 30.
Nagbahagi ng mga larawan ang 30-anyos na singer, na unang lumabas bilang transgender noong 2017, mula sa kanyang kamakailang pictorial kasama ang international men's publication na GQ.
"Happy Pride Month, a little reminder that it’s okay to be myself. Thank you to those who have fought and continue to fight for our freedom of expression and acceptance," ani Jake Zyrus, Huwebes.
"Thank you @gq for allowing me to tell my story and my journey as a transgender man," dagdag na sambit ng singer.
Nagpasalamat din si Jake sa lahat ng walang sawang sumuporta sa kanya mula noon hanggang ngayong transman na siya.
"To LGBTQIA+ community, this one’s for all of you. Mabuhay tayong lahat," ani pa ni Jake.
Napabilang si Jake sa mga na-feature sa 11 artists and activists on the State of Trans Rights Around the Globe na isinulat ng mga editors ng GQ.
"Growing up, I didn’t know about transgender people or what it meant to be trans. But I always knew deep in my heart that I was born in the wrong body. When I was 20 years old, a friend and I were talking about Cher’s kid, Chaz Bono, and his transition journey. After doing my research on him, it was an "aha" moment for me. I realized that I was trans too," pahayag ni Jake sa GQ.
Hindi naman itinago ng singer ang kanyang transition sa publiko.
Sa unang bahagi ng taon, muling ipinakilala ni Jake ang kanyang sarili bilang isang transgender man, nag-post siya ng isang shirtless na selfie at sinabing, "Sa wakas, kumportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. "
Unang umariba ang karera ni Jake sa international stage matapos itong gawin bilang unang solo Asian artist na nakapasok sa top 10 ng American Billboard chart, gayundin ang mga hindi malilimutang guest appearance sa US talk show na Ellen noong 2007 at Oprah noong 2008.
Pagkatapos ni Oprah, siya ay kinuha ng kanyang tagapagturo, kinikilalang record producer at music mogul na si David Foster, na minsan ay tinawag siyang "the most talented girl in the world."
Bago ipahayag na siya ay isang transgender, si Jake ay unang lumabas bilang lesbian noong 2013. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan