^

PSN Showbiz

Mga nagkakaedad, dapat makinig sa katawan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve, siguro nga dahil old na ako iba na rin ang feeling ko physically.

There are times na parang pagod na pagod ako without doing anything, meron namang hindi ako makatulog dahil uncomfor­table ang katawan ko.

Lately nga parang may napi-feel akong weakness kaya ayoko muna na madalas nasa labas.

Pasaway rin kasi ako, kahit may nararamdaman ako I don’t listen to my body.

Eh siyempre iba na ngayon dahil 75 years old na ako. ‘Pag naging pasaway, ako rin ang mahihirapan.

Iyon bang maiinis ka kung bakit buhay ka nga pero hirap ka namang huminga, masakit naman katawan mo.

Kaya dapat talaga ikaw mismo ang makinig sa katawan mo, huwag ipilit ‘pag medyo hindi kaya. Pahinga ‘pag feeling pagod, patingin agad sa doktor para malaman kung ano ang nangyayari sa katawan mo.

Health is wealth, at masarap comfortable ka at walang sakit sa katawan.

Lino, balik-showbiz

Magbabalik showbiz na si Mayor Lino Ca­yetano.

Dati namang busy director sa showbiz si Lino Cayetano bago siya napasok sa pulitika dahil nga halos lahat ng kapatid na sina Alan Peter at Pia Cayetano nasa pulitika kaya napilit din siya.

Pero ngayon talagang showbiz na ang haharapin ni Direk Lino dahil marami siyang mga balak gawing serye para sa TV at kung pupuwede pang gumawa ng movies na talagang forte naman niya.

Kilalang mahusay na director sa pelikula, masarap katrabaho ng stars kaya naman refre­shing news para sa marami ang muling pagbabalik ni Direk Lino sa directing.

Magaganda at mahusay na pelikula ang mga nagawa niya kaya marami na ang naghihintay sa pagbabalik niya.

Welcome back, Director Lino.

LINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with