^

PSN Showbiz

Flower of Evil, top-rated show sa Viu

Pilipino Star Ngayon

Inaabangan na ng mga manonood ang susunod na mga rebelasyon sa Flower of Evil matapos itong masama sa listahan ng top-rated shows sa Viu kasabay ng pag-premiere ng serye noong Hunyo 23.

Kinasabikan ng netizens ang takbo ng serye, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.

Napapanood ang serye sa Viu, 48 oras bago ito ipalabas sa TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at A2Z, kung saan ipinakilala sa unang dalawang episode ang pamilya nina Iris at Jacob (Piolo at Lovi), kasama ang anak nilang si Luna (Sienna Stevens). Tila perpekto ang buhay ng mag-asawa, kaya maski ang mga kasamahan ni Iris sa trabaho ay kinaiinggitan sila.

Ngunit, unti-unting nasisiwalat ang komplikado nilang relasyon dahil sa pa­tuloy na paglihim ni Jacob ng totoo niyang pagkatao bilang si Daniel Villareal, ang suspect sa isang murder case.

Una, kaduda-duda ang hindi maayos na samahan ni Jacob sa mga magulang niyang sina Henry at Carmen (Edu Manzano at Agot Isidro). Ngayon, nanganganib ang sikreto ni Jacob dahil namukhaan siya ni Rico (Joross Gamboa), isang dating kaibigan na may alam sa kaso niya at ngayon ay reporter na.

Dahil natatakot siyang isuplong siya ni Rico, nagdesisyon si Jacob na ga­wing bihag ito nang walang nakakaalam. Subalit, umpisa pa lang ito ng mga kailangang pagtakpan ni Jacob dahil mapupunta kay Iris ang isang kasong maaaring konektado sa kanyang asawa.

Magsisimula na ba ang pagdududa ni Iris kay Jacob? Ano ang gagawin ni Jacob kay Rico para hindi nito ibulgar ang totoong pagkatao niya?

Subaybayan ang Flower of Evil first on Viu kada Huwebes at Biyernes ng 8 p.m., at sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at A2Z kada Sabado at Linggo ng 9 p.m.

RICO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with