Siguro nga mas nakilala bilang isang artista at television host si Toni Gonzaga, at bagama’t kumakanta naman siya, hindi namin matandaang sumikat siya bilang isang singer.
Hindi rin namin natatandaan na si Toni ay considered sa anumang malaking event, kahit na sa laban lang sa boxing ni Manny Pacquiao na kumanta ng national anthem.
Usually kasi mga sikat na singers ang pinakakanta niyan.
Ngayon ay si Toni ang pinakanta ng Lupang Hinirang sa BBM inaugural. Hindi kami naniniwalang malaki ang bayad noon, pero isang napakalaking karangalan iyong pakantahin ka sa inagurasyon ng isang presidente.
Hindi nga siguro kataka-taka na siya ang mapili, kasi panahon pa lang ng kampanya ni BBM si Toni na ang naroroon. Ang kanyang asawang si Paul Soriano na ang director ng lahat ng political advertisement ng mga nanalong kandidato.
Eh sino pa nga ba ang kanilang bibigyan ng karangalang kumanta ng pambansang awit kung hindi siya.
Noong araw, ang pambansang awit ay tinutugtog lamang, walang kumakanta sa inaugural. Tapos nauso na nga na kumukuha ng singers. Dalawang beses napakanta ng national anthem si Nora Aunor sa inaugural ni dating Presidente Erap Estrada at dating presidente Gloria Macapagal Arroyo.
Naging biruan ngang mahirap pakantahin ang national artist na si Nora, dahil si Erap ay napatalsik ng people power, samantalang si Presidente Gloria naman ay nakulong ng anim na taon matapos na maging presidente.
Anyway, pinakanta rin niyan si Charice Pempengco, at noon ngang huli ang napili ni Presidente Digong ay ang paborito niyang si Freddie Aguilar.
Mahusay namang nakanta ni Toni ang Lupang Hinirang, na hinintay talaga namin kung papaano niya aawitin. Tama ang beat. Tama ang tono. Hindi gaya ng iba na nagsasabing may “artistic license” sila para baguhin ang istilo ng pambansang awit, na hindi naman pinahihintulutan ng batas.
TV5, tahimik sa merger sa ABS-CBN
Tama si TV5 Chairman Manny Pangilinan nang tanungin tungkol sa nababalitang merger ng TV5 at ng ABS-CBN. Sinasabi niyang confidential pa ang kanilang usapan, at natural lamang na susunod sila sa anumang magiging tagubilin ng gobyerno tungkol doon.
Pero naglabas na ng tuntunin ang National Telecommunications Commission, na nagsasabing kung iyon ay palalabasing blocktime agreement, hindi maaaring makuha nila ang buong network.
Socio-political climber, umeepal sa kongresista
Nang makita niyang imposible na ang kanyang ambisyon na maging chairman ng MTRCB oMovie and Television Review and Classification Board, kay congressman naman pala nag-aambisyong pumasok ang socio-political climber. Pero alam kaya ni congressman na malas iyan at lahat ng dikitan ay talo?
Talo lahat ng dinikitan niyan noong nakaraang eleksyon. Nalaos din ang lahat ng mga artistang hinawakan niya noong araw.
May isang sumikat noong umalis na sa kanya.