Nag-feeling adventurous na naman ako. Nito lang nagdaang weekend, nabitbit ako papuntang Baler, Aurora para mag-beach ulit. (gusto ko na ata maki-pagkompetensya sa mga sirena!) Feeling safe naman ako kasi kasama ko ay mga nurse, sina Bryan, Norman, Jerwin, Kat, Joey, Joris at social workers na sina Kylde at Lovel. (so ako lang ang pa-diva sa grupo ha!)
Halos 7 hours din kami bumiyahe mula Manila. First stop namin ang San Luis, Aurora kung saan winelcome kami ng pamilya ni Joris. (pinakain at binigyan ng accommodation ha!) Dalawang tourist destination ang napuntahan namin sa munisipalidad na ito. Pagdating na pagdating namin, fly kami agad sa Diteki River kung saan, may napakalinaw na ilog. Kaya swim kami habang may iniihaw ihaw na fresh seafood. (feeling magandang probinsyana ako ganyan!) Libreng pumasok dito. Kailangan lang magrenta ng cottage para may tambayan at makainan. (iba rin pala ang ilog feels ha!)
Nakarir din na-ming puntahan ang Ditumabo Mother Falls. (walang kinalaman si mother Lily o si mother Ricky Reyes ha!) Medyo effort ang pagpunta sa mismong falls kasi pataas ito at may mga dadaanang tubig. Pero sulit ‘pag nara-ting mo na ang falls. Maganda, malinis at instagramable! Actually ‘yung daan patungo rito, matutuwa ka na sa linis ng tubig na dinadaanan mo at sa mga napakaraming punong makikita. (feeling diwata ako ng falls, ganyan!) Pwede syempre maligo at mag-pictorial. (magkamison ka at magpakawet look!)
Sa Baler naman, dalawang dagat ang binisita namin. Inuna namin ang Diguisit Beach. Malinis at payapa ang tubig dito. Hindi maalon. Medyo mabato lang ang mismong dagat. Pero dahil na rin siguro kilala ang beach na ito sa mga rock formation. Mamamangha ka sa mga higanteng batong nakapaligid dito. May minimal entrance fee at rental fee para sa mga cottage. Pwedeng mag-ihaw at magdala ng pagkain. (at kahit ilang case ng inuming nakakalasing!) Natawa lang kami kasi pagdating namin ditto, may beach wedding. Kaya nalaman namin ang sikreto ng buong pamilya (bilang naka-speaker ang buong event!) at may libre kaming sounds mula sa wedding singers! (buti na lang ‘di ako kinuhang on the spot na bridesmaid!)
Last stop namin ang Sabang Beach. Ito ang pinakasikat sa lugar lalo na sa mga mahilig sa surfing. Malawak ang buong beach. Malayo ang distansya nito sa mga commercial establishment. Nilagyan pa ng bakod para mapanatiling maayos ang lugar. Pino ang buhangin. Malinis ang dagat pero syempre bilang paborito ito ng surfers, maalon. Public beach ito kaya walang entrance fee. Maraming surfers pero pwedeng mag-swimming lang (kahit langoy aso pwede!) May option ka rin naman na i-try mag-surf. May mga instructors sa paligid. ‘Yan ang sinubukan namin ni Bryan. (bilang mga inggitera kami!)
Ang surfer na si JayR Ontong (na na-guest ko noon sa WTFu!) ang nagbigay sa’min ng dalawang instructors na sina Kuya Raven at Kuya Kape (oo, pinaglihi raw kasi sa kape. Chos!) 500 pesos per hour ang instructor’s fee, kasama na ang surfboard. In fairness sa amin ni Bryan, medyo mabilis kaming natuto. (may pagka-competitive!) Nakatayo kami agad sa surfboard sa gitna ng alon. (‘di ko lang sure kung ikinaganda ko ito! ) Hindi s’ya madali pero kapag nakukuha mo makapag-surf, ang sarap ulit ulitin. (pero sure maraming hulog at hampas sa tubig bago ma-perfect!)
Thank you San Luis at Baler, siguradong babalik kami lalo pa’t parang gusto na naming karirin ang surfing. (kahit para akong bouncer sa ibabaw ng surfboard ha!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio 7pm-9pm,
Mondays to Fridays.
TITimg on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays) (Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu
website: www.channelfu.com