Kobe Paras, Erika Poturnak sobrang sweet sa Bali trip

Litrato nina Erika Poturnak (baba) at Kobe Paras (itaas) habang nasa Bali, Indonesia
Mula sa Instagram account ni Kobe Paras

MANILA, Philippines — Talk of the town ang tila pagiging “Instagram official” nina UAAP star Kobe Paras at Erika Poturnak na eldest daughter ng aktres na si Ina Raymundo.

Sa Instagram ng 24-anyos na atleta nitong Martes, makikita ang ilang kuha sa getaway nila kasama ang kanyang barkada at rumored girlfriend na si Erika.  

"From Bali with love," caption niya.

Makikita sa kanyang paskil ang litrato niyang hinahalikan ang tuhod ng dalaga, pati na ang selfie nila kung saan nakasandal ang ulo ng basketbolista sa dibdib ng anak ng aktres.

Nag-comment naman si Erika sa naturang post at sinabing, "U got a great photographer," na siya naman tinugunan ni Kobe ng: "I really do! thank you Ms. photographer."

Bukod dito, makikita rin sa Instagram story ni Kobe ang litrato nila ni Erika na HHWW (holding hands while walking) sa Bali.

Samantala, sa hiwalay na "bagong gising" post ni Erika, makikitang nag-iwan din ng komento si Kobe, dahilan para lalong magtsismisan ang netizens sa real score nilang dalawa.

"Cute ka parin kahit madami kang kagat ng lamok," saad niya.

Isa si Kobe sa anak ni PBA legend Benjie Paras sa aktres na si Jackie Foster. Taong 2018 nang ma-link siya kay ex-Ateneo volleyball player Ponggay Gaston.

Samantala, bukod kay Erika, may apat ding tsikiting si Ina sa mister niyang Canadian-Ukrainian na si Brian Poturnak — sina Jakob, Mikaela, Anika, at Minka. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

Show comments