Inumpisahan na ng GMA 7 ang sinasabing pinakamalaking reality game show ng 2022 na partnership nila sa sikat na variety program sa South Korea, ang Running Man PH.
Nangunguna sa cast members ng Running Man PH sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Buboy Villar at Mikael Daez.
Kasalukuyan nang nasa South Korea ang production team at ang pitong kasama sa cast upang i-shoot ang entire season at the exact location of the original series.
Susundan din nito ang orihinal na format kung saan ang mga lingguhang misyon ay isinasagawa sa iba’t ibang landmark.
Ibinahagi ni Mikael ang kanyang excitement na sa South Korea kukunan ang buong episode: “Alam niyo naman ako sobrang hilig ko mag-travel, so sobrang na-excite ako na magtrabaho outside the Philippines after so many things have happened to us in the world.”
Ayon naman kay Glaiza, hindi madi-disappoint ang fans sa gagawin nila : “Alam ko kung gaano niyo minahal itong show kaya ita-try namin na talagang ibigay sa inyo kung ano ‘yong deserved niyo.”
Ruru is looking forward to the challenges that will bring out their amusing personalities, “This time, wala kaming ginagampanan na role kaya mas makikilala kami ng mga tao at gusto ko rin patunayan na hindi ako puro pa-pogi lang.”
Noong Pebrero 2020 ay pumirma ang GMA Entertainment Group ng co-production deal sa SBS Korea para sa local version ng game show.
Ang Running Man ay isa sa mga pinakasikat na variety show sa South Korea, na nagtatampok ng mga kilalang nangungunang Korean star at nagkaroon na rin ng appearance rito sina Jackie Chan, Tom Cruise, at Henry Cavill na nakikipagkumpetensya sa mga masasayang hamon, laro, at karera sa iba’t ibang lokasyon.