^

PSN Showbiz

Angel Locsin nagbabala sa pekeng 'endorsement' niya ng isang produkto

James Relativo - Philstar.com
Angel Locsin nagbabala sa pekeng 'endorsement' niya ng isang produkto
Makikitang ine-expose ng aktres na si Angel Locsin ang kumakalat niyang pekeng pag-endorso sa isang brand ng cereal
Mula sa Facebook page ni Angel Locsin

MANILA, Philippines — Hindi totoong ineendorso ng aktres na si Angel Locsin ang isang Chinese cereal brand na kumakalat sa social media — aniya, minanipula lang ang litrato niya kung saan ineendorso niya ang isang brand ng gatas.

Lunes ng gabi nang magtungo sa social media si Angel, habang pinagtatabi ang orihinal at "dinoktor" niyang larawan.

"Fake News! Angel Locsin does not endorse this cereal product, photo on the right side," wika niya kagabi.

Ang orihinal na litratong minanipula ay mula sa paskil niya sa noong ika-18 ng Abril taong 2020, kung saan ineendorso niya ang brand na Arla, na siyang gumagawa ng gatas.

Hanggang ngayon ay hindi pa binubura ng fake Facebook page na "Angel Locsinn" ang litrato, kung saan imbis na basong may gatas ay cereal na ang itinabi sa produkto.

Abril lang nang paalalahanan ni Angel, na kilalang vocal sa pulitika at tiyahin ng activist leader na si Neri Colmenares, ang publiko na mag-fact check muna bago magpapaniwala sa mga nakikita online.

Ilang beses nang naging biktima ng fake news gaya ng red-tagging si Angel, pati na ang aktibistang kapatid, dahil sa pagdidiin sa kanila bilang miyembro diumano ng rebeldeng Communist Party of the Philippines at New People's Army.

ANGEL LOCSIN

CEREAL

FAKE NEWS

MILK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with