'Sorry, miss ko lang kayo': Dennis Padilla sa anak matapos daw mamahiya

Makikita sa composite photo sina Leon Barreto (kaliwa), Dennis Padilla (gitna) at Julia Barretto (kanan)
Mula sa Instagram nina Dennis Padilla at Julia Barretto

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang komedyanteng si Dennis Padilla sa anak na si Leon Barretto matapos ang kontrobersyal na "pamamahiya" ng showbiz dad sa kanyang mga anak online.

Halos isang linggo na ang nakalilipas nang punahin ni Dennis sa isang Instagram ang mga anak na sina Julia, Leon at Claudia matapos nilang "makalimutang" batiin ang ama noong Father's Day.

"I am sorry leon... Miss ko lang kyo... God bless you more!" wika niya sa isang IG post, Linggo.

Kahapon lang nang mag-sorry si Leon sa kanyang ama matapos hindi mabati, ngunit ipinaliwanag na lagi siyang nagdadalawang-isip na gawin ito dahil na rin "lagi" raw pinag-uusapan ni Dennis ang mga pribado nilang matters sa publiko. Ito'y kahit palagian daw nilang sinusubukan ayusin ang relasyon sa ama.

"Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?" ani Leon.

"Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father? It's not that we don't want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us."

Dagdag pa niya, tila mas mahalaga pa sa amang makakuha ng simpatya kaysa protektahan ang mga anak, habang maya't mayang nadudurog daw ang kanyang mga kapatid na babae gamit ang "false narratives" ng ama. Sa kabila nito, hindi raw nila pinagsasalitaan ng masama si Dennis sa publiko.

Gusto na lang daw nilang matapos na ang isyu sa pinakamaayos na paraan at 'wag nang mauwi ang mga bagay sa "public shaming."

Pero sinagot ito ni Dennis, na gusto lang daw makipag-ayos: "Just want to know what false narrative i said in public? I been reaching out to all of you for 15years in private," dagdag pa niya.

Matagal na ang iringan sa naturang pamilya, bagay na muntikan pang mauwi sa opisyal na pagpapalit ni Julia ng apelido.

Show comments