Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin din ang bersiyon ng kwento ng mga Marcos tungkol sa isang bahagi ng kasaysayan na mapapanood sa pelikulang Maid In Malacañang na ipapalabas sa lahat sa mga sinehan sa darating na July 20, 2022.
Produced by Viva Films at mula sa kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, ang Maid in Malacañang ay isang dramedy movie tungkol sa diumano’y huling 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.
Diumano’y version ito ng isang ‘reliable source’ kung saan ipapakita sa pelikula ang mas normal at carefree side ng pamilya Marcos.
May ipapakilala rin daw na mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilya na may close family ties ang pamilya Marcos.
Pinagbibidahan ito nina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak – sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo na bilang mga maid.
Si Yap ang direktor sa likod ng Vincentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta at Ang Babaeng Walang Pakiramdam.