Mahigit apat na taon mula nang lumubog ang M/V Mercraft 3, kukumustahin ni Noli “Kabayan” de Castro ang paghahanap ng hustisya ng mga naiwang pamilya ng mga biktima ngayong Linggo (Hunyo 26) sa KBYN: Kaagapay ng Bayan.
Ilang araw bago mag-Pasko noong 2017 nang tumaob ang sasakyang pandagat. Pito ang kumpirmadong patay at lima rito ang hindi pa rin nakikita ang bangkay hanggang ngayon.
Pakinggan ang kwento ng kanilang mga pamilya at anong hustisya ang naghihintay sa kanila makalipas ang mahigit apat na taon sa bagong episode ng KBYN na umeere tuwing 5 pm sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel at may livestreaming sa Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.
Ngayong Linggo, makikilala rin ng mga manonood si Princess Tacatac, ang 13-anyos na pinakabatang mambabatok na apo ng kilalang si Apo Whang Od, na ngayo’y 105 taon na.
Limang taon pa lamang si Princess nang sinimulan siyang turuan ng kanyang lola sa tradisyunal na pamamaraan ng pagta-tattoo sa Buscalan Village, Tinglayan, Kalinga. Kaya naman ngayon pa lang ay bihasa na siya sa pinangangalagaan nilang kultura.