Matinding hubaran na ang ipalalabas sa Vivamax na umpisa ang streaming ngayong araw.
Ito ay obra ni direk Brillante Mendoza na Virgin Forest na pinagbibidahan nina Sid Lucero, Angeli Khang at Vince Rillon.
Si direk Brillante ang production designer ng unang Virgin Forest ni direk Peque Gallaga, pero ibang-iba ito na base sa tunay na pangyayari.
Kuwento ito ng isang photojournalist na nasaksihan ang ilang kabuktutan ng gobyerno sa isang bayan, at meron pang illegal logging, prostitution sa isang bundok.
Mapangahas ang unang Virgin Forest, pero matindi rin itong ginawa ngayon ni direk Brillante, na kung saan napahubad niya at nasilip pa ang ‘birdie’ ni Sid Lucero.
Natawa na lang si Sid pagkatapos ng screening ng naturang pelikula sa Gateway Cinema nung nakaraang Miyerkules.
Pero hindi isyu kay Sid kung nakitaan siya, dahil ‘yun naman talaga ang normal na pangyayari sa ganung mapangahas na eksena.
Kinunan ang eksenang ‘yun sa isang waterfalls na kung saan parehong hubo’t-hubad sina Sid at Vince Rillon na naliligo. At doon nag-hello ang ipinagmamalaki ni Sid.
Mapangahas din ang eksenang may anim na babaeng gumaganap bilang diwata na nagpakasasa sa katawan ni Sid.
Napakatapang ng eksenang ‘yun, na lahat sila ay hubo’t hubad, at doon ay nakitaan uli si Sid.
“No, I really didn’t mind it! I really don’t mind,” pakli ni Sid.
“I mean, I think, it’s about time na, e. And Vivamax being an online thing is a good avenue for us to actually start opening ourselves up to the sexuality of things.
“It’s actually a normal thing, come on, guys! Ang dami-dami natin sa Pilipinas!
“Fourteen-year-old mothers, is censorship working?! Excuse me! ‘Di ba?! So, tama na ‘yan!
“Let’s just make a film and then capture life as it is! ‘Di ba?
“But like I mentioned a while ago, when all of us were all naked in the waterfall, we just felt like kids again.
“I didn’t even feel like I had a penis. It didn’t feel like it, yeah,” napapangiti pang pahayag ni Sid.
Matindi nga ang hubaran sa pelikulang ito. Pero sabi ni direk Brillante, kung siya lang ang masusunod, dagdagan pa raw niya ng hubaran ang pelikulang ito.
“May pinoprotektahan kasi e. Merong kailangang huwag mong ipakita, huwag gawin. Kasi, ‘yun talaga ‘yung intent e. Parang you can see flesh, you can see women… alam mo ‘yun,” saad ni direk Brillante.
Calista, may collab sa ibang P-pop
Medyo nao-overwhelm na raw ang P-pop group na Calista sa rami ng mga kumukuha sa kanila.
Kasama sila ngayon sa pitong P-pop group na magpi-perform sa Kumu.
Makakasama ng Calista rito ang iba pang P-pop groups na KAIA, G22, Dione, Vxon, Press Hit Play at 1st.One.
Magiging virtual home ng Calista itong Kumu at nakapagsimula na raw silang makipag-interact sa fans nila sa kanilang Kumustahan.
Sabi ni Olive May: “Pagdating sa fans, we don’t treat them as fans lang, parang friends na rin, family.”
Dagdag na pahayag ni Anne: “Ang mga A-listas, very respectful naman sila sa amin e. Okay po ang relationship namin. Grabe po ‘yung suporta nila, parang family talaga. Hindi sila nag-o-over… hindi sila nakikialam.”
Kaya abangan daw sila sa Kumu dahil mas lalo pa raw nilang maka-bonding ang kanilang fans.
“May mga games, and they will get to know us more,” sabi naman ni Daine.
Ang isang member naman nilang si Olive May ay kabilang sa bagong sitcom sa GTV na Tols na magsisimula na bukas, ng 7:05 ng gabi.
Nagpapasalamat si Olive dahil suportado rin daw siya ng mga kasamahan niya sa Calista.