Cristine at Imee Marcos, nagkita na!

Cristine
STAR/ File

Nang i-post ni Direk Darryl Yap ang picture ni Cristine Reyes bilang si Ms. Imee Marcos noong isang gabi, marami na agad ang na-excite.

Unang pasilip ‘yon ng itsura ni Cristine bilang Imee sa pelikulang Maid in Malacañang.

At kahapon ay nag-post din siya ng group picture nina Cristine, Diego Loyzaga (as Bongbong Marcos) at Ella Cruz (as Irene Marcos).

Tinanong ko si Direk Darryl kung puwede na bang isulat na nagkita na rin noong Tuesday afternoon sina Cristine at Senator Imee?

“Opo,” ang sagot ni Direk Darryl.

Ayoko naman kasing makipag-unahan ng pagkukuwento ng tungkol sa pagkikita nina Cristine at Imee at baka nga bawal pa, pero mismong si Direk Darryl naman ang nagbigay ng go signal.

Naganap ang pagkikita nina Cristine at Senator Imee sa look test ng Maid in Malacañang at na-excite nga ang mga tao sa paligid nila.

Anyway, mas lalo akong na-excite sa Maid in Malacañang sa nakita kong itsura ni Cristine bilang si Imee.

Bongga!

Paunine, nagpasalamat sa mga sumuporta sa ngayon...

Kahapon ay naimbitahan ako ng isa sa PauNine fan na si Maricel Tecson para panoorin ang Ngayon Kaya sa block screening ng pelikula sa Podium Director’s Club Cinema.

Actually, Ateng Salve, maraming mga fan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang nag-invite sa akin, pero nauna nga si Maricel kaya sa kanya ako nag-yes and in fairness, maganda ang Ngayon Kaya kaya nag-enjoy ako, huh!

After ng screening ay duma­ting sa Podium sina Paulo at Janine.

Galing na sila sa iba pang block screenings ng kanilang mga fan.

Nagkita kami nina Paulo at Janine sa labas ng Podium kaya kinongratulate ko sila dahil maganda ang pelikula. Pareho silang happy sa suporta ng kanilang fans at very thankful sila dahil nakapanood ako block screening ng Ngayon Kaya.

Mula sa Podium ay pumunta pa sila ng Ayala 30th Mall kung saan may isa pang block screening ang ibang mga PauNine fan.

‘Yun na!

Show comments