Vice, umatras sa bansa ng mga loyalista?!
Hindi natuloy ang naka-schedule na concert ni Vice Ganda sa Honolulu, Hawaii.
Yup, supposedly raw ay kasama sa US concert tour ni Vice ang Hawaii pero biglang nawala ito sa latest poster ng concert tour.
Ito ‘yung Fully Vice-cinated USA Concert Tour 2022 with MC & Lassy and special guest niya si Darren Espanto.
Ang rason ayon sa reliable source, majority ng mga Pinoy sa Hawaii ay mga Marcos loyalist.
Sa Hawaii tumira ang napatalsik na Pangulo ng Pilipinas noon na si Ferdinand Marcos Sr.
Naging active sa nakalipas na kampanya si Vice para kay outgoing Vice President Leni Robredo kaya’t nagduda ang iba na baka ito nga ang rason kaya’t kanselado ang Hawaii concert ni Vice.
Mamumuno sa ating bayan simula sa July 1 si President-elect Bongbong Marcos Jr.
- Latest