^

PSN Showbiz

Kapuso actors, Rufa Mae, mapapanood sa pinakaunang family sitcom ng GTV

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Kapuso actors, Rufa Mae, mapapanood sa pinakaunang family sitcom ng GTV
Tols stars.

Mapapanood na simula sa June 25 ang first family sitcom na Tols sa GTV, ang second free-to-air channel ng GMA 7.

Pinagbibidahan ang comedy show nina Kelvin Miranda as Uno, Shaun Salvador as Dos at Abdul Raman as Third, kasama rin ang Sparkle’s comedian na sina Rufa Mae Quinto as Mommy Barbie and Betong Sumaya as Tuks.

Tungkol ito sa Macaspac triplets Uno (Kelvin), Dos (Shaun) at Third (Abdul) na iniwan ng kanilang ina (Rufa Mae) sa kanilang mga kamag-anak nang pumuntang abroad para magtrabaho upang ma­bigyan sila ng magandang buhay ngunit lumaki silang magkakahiwalay sa isa’t isa.

Na-challenge si Kelvin dahil ito ang pinakaunang beses na masusubukan siya bilang komedyante, “Hindi po talaga ako literal na komedyante pero bilang nakikinig at nagtitiwala ako sa mga katrabaho ko, may magic do’n eh na lumabas. Mahirap talaga ‘yung comedy pero habang tumatagal, na-e-enjoy ko ‘yung proseso at unti-unti ko siyang natutuklasan.”

Para naman kay Abdul, isang big break ang maging parte at bumida sa Tols at marami siyang natutunan sa kanyang co-stars, “It’s my first sitcom. It’s my first lead role. I feel like it’s a really, really big break for me. I am very excited about the airing of this show and I am very thankful for everyone involved. Sa aming tatlo naman, I love these guys. Palagi kaming nagpu-push sa isa’t isa to do better in every scene that we do.”

Samantala, si Shaun naman ay nagsimula ang career sa Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs at nagkaroon ng commercials bago bumida sa Tols. Para sa kanya ay dream come true ang makatrabaho si Rufa Mae, “Lumaki rin po kasi ako na nanonood ng comedy at isa si Ms. Rufa sa mga pinapanood ko. Hindi ko na-imagine na one day, right now, makaka-work ko siya. Nakakahawa po na katrabaho si Ms. Rufa. ‘Yong persona niya, isa po ‘yon sa nagpa-boost ng kumpiyansa ko.”

Ito naman ang magiging TV comeback ni Rufa Mae matapos ang ilang taong paninirahan sa abroad kasama ang kanyang asawa’t anak.

Ibinahagi ng Sparkle talent ang kanyang excitement sa bagong programa, “Parang God’s will lahat ng nangyari. Na-feel ko lang kasi wala nang quarantine, so sabi ko pwede na kaming umuwi. Na-miss kong magpatawa. Saan ka makakakuha ng trabaho na walang ginawa kundi tumawa nang tumawa? Dito sa show, welcome lahat at para ka­ming isang maliit na pamilya.”

Ito ay mula sa direksyon ni Director Monti Parungao, co-production ng GMA Network at Merlion Events Production, Inc.

Panoorin ang Tols simula June 25, 7:05 p.m. sa GTV.

Mga pulot vendor, kinilala ni Kabayan

Dahil sa hirap, maraming Pilipino ang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng kabuhayan.

Kabilang na rito ang dalawang ‘pulot’ vendors o mga tindero ng mga itinapon o nahulog na gulay sa Divisoria na kikilalanin ni Noli de Castro sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo (Hunyo 19).

Isa rito ang 52-anyos na si Christina ‘Kite’ Navarro na tatlong dekada ng pulot vendor. Kahit may edad na, patuloy pa rin siya sa pagkayod dahil ito lang ang alam niyang hanapbuhay. Nakausap din ni Kabayan ang dating snatcher na ngayon ay pulot vendor na si Allan ‘Nog-nog’ Martinez. Natauhan si Nog-nog sa mali niyang gawain at nagdesisyong kumayod nang marangal na trabaho para sa pamilya.

Anila, nililinis muna ng pulot vendors ang mga itinapon o nahulog na gulay bago ibenta sa murang halaga. Bilang tulong, biniyayaan din ng KBYN ang pulot vendors ng pedicab upang makagaan sa kanilang araw-araw na pagpupulot ng gulay.

Tampok din sa Linggo ang husay ng mga batang fire dancers. Sa edad na 10 anyos, hasa na si Clyde Louise Basbas sa pagsasayaw gamit ang apoy, habang iba’t ibang acrobatics stunts naman ang kayang ipamalas ni Francis ‘Kiko’ Lee sa edad na 11.

Mapapanood mga kwento ng KBYN: Kaagapay ng Bayan, tuwing Linggo, 5 p.m. bago ang TV Patrol Weekend sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z.

GMA

GTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with