Carla, ‘di kinausap ang ama
Bagama’t sinabi na ni Tom Rodriguez na mayroon nang lumabas na “gag order” para sa kanya, na ang ibig sabihin ay hindi na siya makapagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa kanilang relasyon at paghihiwalay ni Carla Abellana, hinintay muna ni Carla na makaalis si Tom sa bansa bago nagsalita.
Lumabas pa ang kuwento bago umalis si Tom, minsan pa iyong nakipagkita sa tatay ni Carla na si Rey PJ Abellana, pero wala namang sinabi kung ano ang kanilang napag-usapan.
Sa panig naman ni Carla, ang binabanggit lang niyang nagpalaki sa kanya at nagturo ng kagandahang asal ay ang ermat niya at ang lola niya. Dahil nagkahiwalay rin naman ang kanyang mga magulang at parang hindi nga siya naging malapit sa tatay niya.
Malayang sinabi ni Carla ang lahat ng mga hirap at sama ng loob na tiniis niya diumano sa loob ng pitong taon.
Ibig sabihin, magsyota pa lang sila ni Tom ay hindi na maganda ang kanilang pagsasama, pero sa hindi namin maintindihang dahilan, hindi na pala sila nagkakasundo, bakit nagpakasal pa rin si Carla.
Sana hindi na siya nagpakasal, wala sana siyang problema.
Sarah, ‘di sigurado ang kapalaran sa GMA
Aywan kung bakit lumalabas na parang isang napakalaking issue na mapapanood na raw si Sarah Geronimo sa GMA 7, eh hindi naman siya mapapanood sa isang show kung saan siya kakanta na siya niyang forte.
Pero tinantaggi pa ito ng GMA, wala pa raw katotohanan ang lahat.
Pero kung matutuloy at magkakatotoo, lumipat lang siya bilang judge at coach ng The Voice Philippines, dahil nakuha na nga raw ng GMA ang franchise ng show sa Pilipinas. Dati nasa ABS-CBN ang franchise niyan.
May isisingit lang akong tsismis na mukhang lumalapit na rin sila sa Marcos administration dahil dumalaw na raw si ABS-CBN president Carlo Katigbak sa campaign headquarters ni President BBM, at ano pa nga ba ang maiisip mong dahilan, iyan ay sa kabila ng maliwanag na pinaboran ng network at ng kanilang mga artista ang kalaban ni BBM.
Boy sabit, ayaw patalbog
Believe na kami sa tapang ng loob ni Boy Sabit. Nakapasok siya noon sa mga film festival committees hindi dahil napili siya kundi sumabit lang siya sa talagang napili.
Sumabit din siya sa isang kandidatong akala niya ay mananalo noong eleksyon, at magbibigay katuparan sa kanyang pangarap sa isang mataas na posisyon sa showbiz, eh talo.
Isipin ninyo, may nasabitan na naman pala si Boy Sabit para makapasok sa Malacañang noong isang araw, at hindi kami magtataka kung humanap na naman ng masasabitan iyang si Boy Sabit sa inagurasyon ni BBM sa Huwebes.
Dapat ngang palitan na ang ating “national fruit” at ideklara na iyong balimbing.
- Latest