Kris, may bagong lovelife?!
May kumakalat na kuwento, na meron isang eligible, financially stable guy ang grabe ang crush kay Kris Aquino.
In fact, talaga raw matagal nang dream ng guy na mapalapit kay Kris, at nagkaroon lang ng katuparan lately dahil na-introduce na silang dalawa ng isang common friend.
Kung totoo ang balita, at wish naming totoo sana, baka ito na ang hinihintay na perfect partner for Kris.
Baka ito na ang binigay sa kanya ng guardian angels niya para makasama niya for life.
At dumating siya sa tamang panahon na kailangan ni Kris ng isang shoulder to lean on. Perfect timing.
Sa edad ni Kris siguro naman hindi na siya magkakamali ngayon sa puso, at sa mga nasagap naming balita, talagang eligible good catch bachelor ang nasabing guy.
Hoping for the best, at wishing the most beautiful relationship this time for Kris.
A happy future for Joshua and Bimby.
AiAi, mas pinahalagahan ang pera
Hayan ang sinasabi ko na dapat, kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tingnan mo ang magiging resulta nito nang pang mahabang panahon.
Like in the case ni AiAi delas Alas, puwede niyang ikampanya ang kandidato niya na hindi naging very personal ang atake sa kalaban.
Parang self destructing na dahil lang sa ibinayad sa iyo, forever nang tatak ang kabastusan na ginawa mo.
Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang.
Dapat isipin mo na merong aftereffect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo.
Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahat lahat pati pakikisama?
Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends, the better. Hay naku, isip-isip kasi, gamitin ang utak.
- Latest