^

PSN Showbiz

Ana, napatawad na si Kit

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ana, napatawad na si Kit
Ana Jalandoni.

Kaso sumampa na...

Ipinakiusap ng Cornerstone na kung maaari ay huwag nang tanungin si Ana Jalandoni tungkol kay Kit Thompson. Humarap ang sexy actress sa ilang miyembro ng entertainment press nung Miyerkules ng gabi, dahil isa siya sa pararangalan ng Asia’s Golden Icons Awards 2022. Siya ang gagawaran ng Most Empowered Celebrity of the Year.

Pinuri ng grupong ito ang katapangang ipinakita ni Ana sa gulong pinagdaanan niya sa da­ting nobyong si Kit Thompson at nagpapasalamat naman si Ana sa naturang pagpapakilala.

Purisigido siyang ituloy ang kaso, para magsisilbing leksyon daw sa lahat na mga kababaihang dumanas sa ganitong karanasan. “Bilang isang babaeng matapang na maipaglaban ‘yung sarili mo… sa mga babae na kagaya ko na gustong lumaban. Sana po talaga may natutunan po sila sa nangyari sa akin, sa ipinaglaban ko,” pakli ni Ana.

Bahagi raw ng pag-move on niya, gusto na raw niyang mag-focus sa trabaho. Pero tuloy raw ang kaso laban kay Kit, na ayon sa kanya ay umakyat na raw ito sa korte. “Happy naman po ako kasi dun sa pinagdaanan ko, I’m moving on. May mga friend ako and family na nakasuporta sa akin. Ang management ko ngayon na nasa Cornerstone ako, they help me rin po kasi gusto na talaga magtrabaho nang magtrabaho. Dun po ako naka-focus ngayon sa trabaho,” dagdag niyang pahayag.

Medyo alanganin pang sumagot si Ana, nang tinanong ko siya kung nagkita na ba sila ni Kit sa isa sa mga hearing ng kaso nila. “Nagkita naman po,” medyo naaalangan pa niyang sagot.

“Bale po ‘yung case po namin, iniiwan ko na lang po dun sa legal team ko,” dagdag niyang pahayag.

Matagal na raw niyang napatawad si Kit, pero pursigido siyang ituloy ang kaso. “Hindi rin po kasi makakatulong sa akin kung may galit ako sa puso ko. Napatawad ko na po siya,” mati­pid na sagot ni Ana.

Sa June 28 ang awarding ng Asia’s Golden Icons Awards na gaganapin sa Okada Hotel.

Ilan pa sa paparangalan ay ang mag-asawang Sen.-elect Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Pia Guanio, Toni Gonzaga, Toni at Alex Gonzaga, Gladys Reyes, Ara Mina, at marami pa.

Vivian, pinagdiinang ipasa na sa FDCP ang MMFF

Si Vivian Velez ang isa sa inimbitahan sa press launch ng Pelikulaya Film Festival 2022 na ginanap sa Amrak Come­dy Bar nung nakaraang Martes, June 7, ng gabi.

Si Vivian ang director-general ng Film Academy of the Philippines, at ang isa sa napag-usapan sa nakaraang press launch ay ang estado ng ating movie industry na hindi pa rin talaga nakakabawi sa ngayon.

Kaya pinagdiinan ni DG Vivian, dapat na ibigay raw sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang Metro Manila Film Festival. “Unang-una, ‘yung ating mga cinema exhibitions. Kasi, iyan talaga ang isang problema ng filmmakers. Kasi, paano naman tayo uunlad kung isa o dalawang araw lang ang ating pelikulang ipapalabas sa sinehan?

“So I guess, it’s a whole approach, e, ng buong Pilipinas. Kasi syempre, alam naman natin, negosyo ‘yan.

“But then, someone has to give. Somebody has to give. Hindi kasi pupuwedeng hindi ma-subsidize ito ng gobyerno dahil otherwise, mamamatay talaga.

“Number 2, pinag-usapan namin iyan sa board, we should be able to take back Metro Manila Film Festival. Itong MMFF, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate.

“Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival. Alam ko, marami akong pwedeng sabihin because pwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines… Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami.

“Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza (Diño). Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito.

“Nasa mandate ito ng FDCP. Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na, ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang Metro Manila Film Festival sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito!”

Nakakuha naman kami ng kopya ng sulat mula sa tanggapan ng Solicitor-General Jose Calida na ipinadala ito nung taong 2020 pa sa namayapang MMDA Chairperson Danny Lim.

Doon ipinaliwanag kung ano ang mga film festival na under sa FDCP. Pero ang MMFF ay nasa MMDA raw na kung saan donor ang LGUs.

Hindi pa ito nabago at ito pa rin ang kailangang sundin.

Ang Pelikulaya 2022 International LGBTQIA+ Film Festival ay isa sa proyekto ng FDCP na magsisimula na ngayong araw, June 10 hanggang sa 26 na gaganapin sa Cinematique Center Manila ng FDCP.

ANA JALANDONI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with