^

PSN Showbiz

Bea, magiging permanent resident na sa Spain?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Bea, magiging permanent resident na sa Spain?!
Bea Alonzo.

Aalis na naman pala si Bea Alonzo. Kailangan niyang magbalik sa Spain para makakuha siya ng permanent residency roon, lalo na ngayong nakabili na nga siya ng property sa nasabing bansa.

Sa España kasi madali basta bumili ka ng property doon, magpasok ka ng malaking investment, o kahit na gumawa ka lang ng isang valid donation, maaari ka nang makakuha ng residency sa kanilang bansa.

Eh alam naman ninyo ang mga Pinoy, ang taas din ng tingin sa mga Kastila.

Pero sa ginagawa ni Bea, tiyak apektado na ang kanyang career. Hindi pa nga siya sigurado kung ano ang magiging resulta ng serye nila ni Alden Richards na adaptation ng isang Korean drama, lalayas na naman siya.

Papaano kung hindi man lang niya mapanta­yan ang ratings ng serye ni Sanya Lopez ng First Yaya at First Lady?

Aba eh hindi na rin niya maipagmamalaki na “movie queen” siya, dahil parang binawi na iyon sa kanya ng ABS-CBN, nang magdeklara na si Susan Roces lang ang “nag-iisang movie queen” kahit na ang title ay ibinigay na rin nila kay Bea noong nasa kanila pa. Kung sabagay ano ba iyang title.

Pero kung lagi siyang ganyan, baka mabilis ngang bumaba ang popularidad ni Bea.

Carmina, ulilang lubos na

Hindi maikubli ni Carmina Villarroel ang matin­ding kalungkutan nang pumanaw ang kanyang amang si Reggie Villarroel kamakailan.

Naging matahimik at pribado naman ang kanilang pagdadalamhati dahil makalipas lamang ang dalawang araw, nai-post na nga ni Carmina ang picture na hawak niya ang isang urn na nag­lalaman ng labi ng kanyang ama.

Minabuti nilang gawing pribado ang kanilang pagdadalamhati.

Hindi rin sinabi kung ano ang ikinamatay ni daddy Reggie, pero natatandaan namin na ilang panahon na rin ang nakaraan, naaksidente siya at sinapian na ng bakal ang hip bone ba niya? Pero maliban doon wala naman kaming nabalitaang malubhang naging sakit niya.

Si Carmina ay masasabi ngang ulilang lubos na sa kanyang mga magulang, nauna nang namatay ang ermat niya matagal na rin. Bata pa si Carmina noong mawala ang ermat niya at iyon ang dahilan siguro kung bakit sinasabing “daddy’s girl” siya talaga.

Kaya siguradong matagal dadalhin ni Carmina ang kalungkutan ngayong nawala na rin ang kanyang ama.

Ang ganyang bagay, dumarating kaninuman, hindi nga lang natin alam kung kailan.

Vivian, walang alam sa pagpapatakbo ng mga sinehan

Tinira ni Vivian Velez ang mga sinehan.

Papaano nga raw ba babangon ang pelikulang Pilipino kung dalawang araw lang inaalis na ng mga sinehan.

Maliwanag sa statement, hindi pa napag-aaralan ni Vivian ang negosyo.

Ano naman ang sasabihin niya doon sa pitong beses nang pinatutugtog ang Lupang Hinirang sa sinehan wala pang pumapasok para panoorin ang mga pelikula nilang indie?

Ibalik nila ang mga pelikulang gustong panoorin ng mga tao kagaya noong dati para kumita sila at hindi naman malugi rin ang sinehan.

At saka ngayon, P400 na ang admission prices ng sine dahil sa pagtaas ng presyo, at P33 lang ang dagdag sa sahod?

Sino ba ang manonood ng sine kung puro sex, kabaklaan at katomboyan ang ginagawa ninyo?

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with