^

PSN Showbiz

Kyline at Mavy, special friends pa rin!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Kyline at Mavy, special friends pa rin!
Mavy at Kyline.

Sentro ng usapan ng mga Maritess ang pagyakap ni Kyline Alcantara kay Mavy Legaspi nu’ng NCAA All-Star games kung saan isa sa players na artista si Mavy.

Resibo na ba ang suporta, yakap, pagkarga at pagsuot ng jersey ni Mavy ng real score sa kanilang dalawa?

Sa interview kay Kyline sa 24 Oras, “Iba siya ngayon. Iba ‘yung nararamdaman ko ngayon but the status is still the same!”

Special friends lang daw sina Kyline at Mavy at suporta ang ibinigay niya kaya todo ang cheer niya sa binata nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Ganern?

Dating mga Sang’gre, bumibida sa primetime

Aba, mga dating Sang’gre ng Ecantadia pala ang namamayagpag ngayon sa GMA Primetime, huh!

Naging parte ng fantaserye na Encantadia sina Sanya Lopez, Kylie Padilla at Gabbi Garcia. Bida sila sa shows ng GMA sa kani-kanilang series, huh!

Si Sanya ang bida sa First Lady, si Kylie sa Bolera at si Gabbi sa Love You Stranger!

Eh balitang pinaplantsa na ang pagbabalik ng mga Sang-gre sa series na Sang-gre.

Isa ito sa coming shows sa GMA Telebabad at natatandaang ang Encantadia ang show ng Kapuso Network na rason kung bakit may isang executive ang Channel 2 na muntik magbitiw sa trabaho noon, huh!

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

MAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with