Angelika dela Cruz kinastigo 'politically motivated' death threat
MANILA, Philippines — Kinundena ng aktres at barangay captain sa Malabon na si Angelika dela Cruz ang itinatakbo ng pulitika sa Pilipinas matapos padalhan ng mga bala, bagay na banta raw sa kanyang buhay.
Sa kanyang Facebook post, Martes, makikita ang isang lukot-lukot at punit-punit na papel na may kalakip na apat na bala ng baril.
"Napaka dumi po [talaga] ng politika sa ating bansa," sabi ng kapitana mula sa barangay Longos sa lungsod ng Malabon.
"['Yan] po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may [apat] daw na susunod at kaya may umiikot na ['di] kilala sa bahay naming magkapatid."
Nakakuha naman ng suporta mula sa netizens ang sikat na '90s actress. Maliban pa rito, wala na siyang ibang ibinigay na detalye sa nangyari o kung may kakasuhan ba siya kaugnay nito.
Kasalukuyang nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand si Angelika.
Huling lumabas sa telebisyon si Angelika sa Kapuso seryeng "Little Princess" na katatapos lang nitong Abril. — James Relativo
- Latest