Lumitaw na naman ang pangalan ni Phillip Salvador dahil sa 27th birthday ni Joshua, anak ni Kris Aquino, two days ago.
Siyempre pa, iniisip ng lahat na for 27 years ano kaya ang naging contribution ni Phillip sa paglaki ni Joshua na may mga special needs pa naman.
Ngayon na nasa seryosong lagay ang kalusugan ni Kris, na foremost sa isipan niya ang kapakanan ni Joshua na isang special person, bigla lumabas ang ‘ano ba ang ginagawa ni Phillip Salvador?’
Siguro nga wala ito sa priority ng mga taong nasa isip ni Kris na puwedeng pag iwanan sa anak kung sakali. For years talagang independent sa pagiging mother ng mga anak ni Kris.
Kahit pa nga si James Yap mukhang walang ginagawang contribution sa paglaki ni Bimby. Kaya nga kahanga-hanga na kinakaya lahat ni Kris ang responsibilidad.
Kaya hindi kataka-taka na ito ang ikinatatakot niya, maiwan ang mga anak niya.
Kung alam lang ng lahat how quietly suffering si Kris sa kanyang sakit, at laging iniisip kung ano ang magiging kapalaran ng mga anak niya, mauunawaan natin ang kalagayan niya.
Idalangin natin na maging maayos lahat sa buhay ni Kris, pray for her.
Mga iyaking groom, hindi totoong nakikipaghiwalay sa asawa
Hindi naman totoo iyon pag umiyak ang groom sa kasal ay may tendency na maghiwalay sila.
Sila Rudy Fernandez at Bong Revilla teary eyed nung kasal nila kaya panay ang tukso ang inabot nila noon pero kahit nagkaroon ng mga problema, intact pa rin ang marriage nila kina Lorna Tolentino at Lani Mercado. Siguro kadalasan emotional ang mga lalaki dahil sa bagong responsibilidad na papasukin nila.
At kaya lang issue dahil nga bihira sa mga lalaki ang nagpapakita ng emosyon nila sa publiko.
Usually, tinatago nila ang feelings nila.
Para ngang height ng machismo ang pagtulo ng luha ng isang groom sa araw ng kasal, dahil parang punung-puno ng emosyon ang puso niya.
Cute nga na nakikita ang moment na iyon sa mga wedding.
Pero puwede rin naman na dahil sa laki ng gastos kaya naiyak ang groom, hah hah hah.