JC hinabaan ang role, Kit ayaw banggitin sa flower...

JC de Vera

In fairness sa management team ni JC de Vera, ayaw nilang pag-usapan na ang aktor ang pumalit kay Kit Thompson sa Flower of Evil na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual.

Ayaw nga nilang i-mention ang tungkol dito.

Nang makatsikahan namin si Leo Dominguez na manager ni JC, tanging ang ganda ng role ng aktor sa Flower of Evil ang sinabi niya.

Hindi niya tina-touch ‘yung issue na pinalitan ni JC si Kit sa Pinoy adaptation ng Korean thriller drama na Flower of Evil na produced ng ABS-CBN at Viu.

Sabi naman ng isang insider ng Dreamscape Entertainment, Inc. project, sa ganda ng role ni JC sa nasabing series, tama lang daw na tinanggap ‘yon ng aktor.

Ang tsikang narinig kasi namin, noong mag-renew kama­kailan si JC ng exclusive network contract sa ABS-CBN, ibang show sana ang sisimulan niya, pero bigla raw in-offer sa aktor na mapasama sa Flower of Evil, kaya naman sa cycle 3 ng lock-in taping ay sumalang na nga siya agad.

Dalawang cycles lang ang lock-in na kasama si JC at nakaapat ang karamihan sa cast pero sa cycle 4 naman ay halos siya nang siya ang kasama sa lahat ng mga eksena.

Hindi rin daw pinalampas ni JC ang offer ang Flower of Evil dahil co-produced nga ‘yon ng Viu at ipapalabas sa 16 territories sa Asia, Middle East at South Africa.

Bongga!

Anyway, kahapon naman pumasok si JC sa lock-in shooting nila sa Baler ng Bakit ‘Di Mo Sabihin, ang Cinemalaya entry nila ni Janine Gutierrez. Hanggang June 11 ang lock-in ­shoo­ting nila sa lugar na ‘yon, pero may mga kukunan pa rin sila sa Maynila.

Ruffa, laging naaalala ni Michael Cinco

Alam mo, Ateng Salve, nakasama ko sa isang dinner the other day ang international at Dubai, United Arab Emirates-based fashion designer na si Michael Cinco.

Bilib ako sa pagiging down-to-earth ni Michael.

Alam n’yo ba na parang Superstar kung ituring siya ng mga Pinoy na nakasama namin sa dinner, pero si Michael, hindi inilalagay sa kanyang isipan ang sobrang kasikatan kahit na pati ilang mga Hollywood celebrity ay nagpapagawa sa kanya ng gowns, huh!

Nang makita ako ni Michael o M5 (tawag sa kanya ng mga kakilala), dialogue kaagad niya sa akin, “Bakit hindi ka nagsasabi na nandirito ka pala sa Dubai? Puro hello lang ang text mo sa akin.”

Actually, super bait at accommodating talaga ni Michael. Sa tuwing dumadalaw kami sa Dubai, palagi siyang nag-i-invite for dinner. The last time nga, magkasabay pa kami ng grupo ni Mr. Ben Chan ng Bench na trineat niya sa Atlantis, a very posh hotel sa lugar na ‘yon.

Ang maganda pa kay Michael, sa tuwing nagkukuwento siya, hindi niya nakakalimutang banggitin na isa si Ruffa Gutierrez sa mga artista sa ‘Pinas na binihisan niya noong nagsisimula pa lang siyang sumikat.

Sa bait ni Michael, aba, napakarami talagang mga celebrity ang sobrang love siya, huh!

‘Yun na!

Show comments