MANILA, Philippines — Bukod sa pagiging singer at aktres, certified baker na rin si Sarah Geronimo matapos niyang grumaduate mula sa Heny Sison Culinary School.
Ito ang ibinahagi ng proud husband at aktor na si Matteo Guidicelli sa Instagram nitong Huwebes.
"Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS!" ayon kay Matteo sa kanyang paskil kahapon.
"Yesssss 'chef sarah' it is!! We are super proud of you!"
Unang sumikat si Sarah noong 2002 matapos maging grand winner sa television singing contest na "Star for a Night," na siyang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng recording contract sa Viva Records.
Pebrero 2020 pa nang ikasal ang celebrity couple, kung saan nagkaroon pa ng kontrobersiya dahil sa diumano'y panununtok ni Matteo sa security ni Sarah.
"Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you!" panapos ni Matteo. — James Relativo