Ate Vi totodo na ulit, may bagong endorsement kasama si Luis
Mukhang totodo na uli sa showbiz si outgoing Representative Vilma Santos-Recto.
Ito ay kahit hindi pa officially tapos ang kanyang termino, pero heto’t may bagong endorsement na siya.
At hindi lang siya, kasama pa ang anak na si Luis Manzano na napabalita noon na kakandidato sa Batangas pero obviously, hindi ito napilit at kabaliktaran ang nangyari, si Ate Vi ang bumalik sa showbiz.
After this endorsement inaasahang mapapanood na rin sa TV at pelikula si At Vi bukod pa sa diumano’y kakarerin na nito ang pagiging vlogger.
Anyway, at dahil kilala sa pagiging healthy lifestyle ang mag-ina plus good looks and talent, ito at perfect sa kanila ang bagong endorsement.
“Definitely, we’re very very happy to be part of the Quaker Oats family. Plus, the fact that we are both passionate about healthy living, parang match made in heaven ang partnership na ito,” Vilma shared.
Tulad ng kanyang mom, Luis was ecstatic to be joining the brand. “Quaker is a brand that I’ve been using for many years. Sobrang fan ako nito kasi it’s an easy and delicious ingredient I add in my daily meals to stay healthy. Kaya naman nung sinabi sa akin na “Luis, gusto ka naming maging officially maging part of the Quaker family, nakakatuwa talaga,” he expressed.
Ang Quaker Oats Instant Oatmeal at Quick Cook Oatmeal ay gawa gamit ang 100% whole grain oats, na higit pang fiber kumpara sa puting bigas. Ang mga oats ay nagpapababa ng kolesterol, nakakatulong sa patunaw at nagpapasigla sa iyong araw.
Maaari ka lamang magdagdag ng mainit na tubig at ang mga topping na iyong pinili upang pagandahin ang pinakamahalagang pagkain sa araw.
As a known fitness buff, Luis emphasized the importance of prioritizing one’s health.
Si At Vi ay masigasig din tungkol sa pagpapanatili ng isang malusog na pamumuhay, na kita n’yo naman at parang ‘di tumatanda. “Sa totoo lang po, when my siblings and I were young, talagang ang breakfast namin bago magpunta ng school ay oatmeal. Yung classic noong araw? I’m sure alam niyo yun. Pero yung pag-prepare ng oatmeal ngayon modernized na di ba? Pwede mong gawin champorado, o lagyan ng ibang ibang fruits para interesting. Malaking parte ng buhay ko ang Quaker,” pag-alala ni Ate Vi.
Meanwhile, Luis said that the overnight oats is his go-to snack. “Yun talaga ang ginawa ko, baon-baon ko yan. ‘Yung ginagawa ko, of course, oatmeal tapos may konting soymilk, tapos nilalagyan ko ng mga blueberries, tapos may konting almonds. Perfect na baon na yan.”
- Latest