Umingay din kahapon ang pangalan ni Robin Padilla sa social media matapos na ipagkaloob sa kanya ang chairmanship ng Committee on Constitutional Amendments and Social Justice.
Feeling ng netizens masyadong mabigat ang nasabing committee para pamunuan ng aktor na aminadong walang karanasan sa pulitika / batas kaya kailangan niya pang pag-aralan ang trabaho ng isang senador kung saan siya nag-number 1 sa senatorial race last May 9.
Grabe ang mga panlalait nila kay Sen. Robin.
Bakit daw hindi binigyan ng magaan-gaang committee ang baguhang senador.
Expect a circus daw dahil nga walang legislative background ang actor.
Awww. We never know naman. Baka naman mahuhusay sa batas ang kinuhang adviser ni Robin.
Eh kung kunin niya kaya si Atty. Chel Diokno?