Moira at Jason, hindi naramdam ang pinagdaanan
Alam mo, Ateng Salve, nalungkot ang isang friend ko from Dubai, United Arab Emirates nang maglabas noong isang gabi ng official statement ang mister ni Moira dela Torre, si Jason Hernandez, na hiwalay na silang dalawa.
Nakasama kasi nila noong December sa Dubai sina Moira at Jason at okey na okey raw ang mag-asawa sabi ng friend namin.
“Kaka-sad. That time, masaya sila. Wala kaming naramdaman na may problema sa kanilang relasyon,” tsika pa ng friend namin.
Well, baka nga that time ay hindi pa inaamin ni Jason na naging unfaithful siya kay Moira.
Anyway, mukhang pati ang ibang mga taong malapit kina Moira at Jason ay gustong manahimik tungkol sa problema ng mag-asawa dahil hindi kami sinagot ng isang taong madalas na kasama ng Kapamilya singer nang tanungin namin kung kumusta na ba si Moira.
Anak ni Donita, makikipag-bonding muna sa kanyang pakakasalan
Si Donita Rose naman, nakatsikahan namin sa pamamagitan ng WhatsApp.
Kinongratulate ko si Donita dahil engaged na nga sila ni Felson Palad at tinanong ko na rin siya kung kailan sila magpapakasal?
“Thank you so much!!! No date yet. We’re taking our time kasi JP hasn’t met Felson yet. They should get to know each other first,” sey ni Donita.
Ang JP na binanggit ni Donita ay ang anak niya sa una niyang mister na si Eric Villarama.
Pero aware ba si JP about Felson at sa engagement nila? “Oh yes, of course! JP has given me his blessing but we just want to make sure JP is really comfortable with it first before we decide to get married na,” paliwanag ni Donita.
Nabanggit din ni Donita na sobrang happy siya na she finally found the one for her. “Yes, I am super happy I finally found the one!”
Sa end of June naman ay magkikita na sina Felson at JP. “JP will be here end of June,” sabi ni Donita.
Hindi magkasama si Donita at anak niya sa Santa Clarita, California dahil nag-aaral ito at kapag bakasyon lang nagpupunta sa kanya para magka-bonding silang mag-ina.
Samantala, Ateng Salve, kaka-touch si Donita dahil sa dulo ng tsikahan namin ay nagpasalamat siya sa akin at sinabing, “Thank you so much!!! I appreciate you celebrating my victories with me!”
For sure mababasa ito ng mga kamag-anak ni Felson dito sa ‘Pinas lalo na ng kanyang ate dahil nagbabasa sila ng PSN, huh!
The last time nga na naisulat namin dito sina Donita at Felson, nagpasalamat talaga silang dalawa sa amin dahil nabasa nga raw ng ate ng huli.
‘Yun na!
- Latest