MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng broadcast journalist na si Karen Davilla ang unang art exhibit ng anak na si David Sta. Ana, na siyang kilalang may kondisyong autism.
"PROUD OF YOU DAVID. David and his classmates are closing the year with their first art exhibit - and for a good cause!" sabi ng journo sa isang Instagram post, Martes.
Related Stories
"These are all @iamdavidstaana’s paintings & sculptures but his classmates have beautiful works as well!"
Setyembre 2020 lang nang isugod sa ospital si David nang biglang mangisay dahil sa seizure habang nasa Bikol. Naulit ito noong 2021 habang tumatakbo ang anak ni Karen sa treadmill.
Mas madalas makaranas ng seizures ang mga dumaranas ng autism kumpara sa mga karaniwang bahagi ng populasyon.
"For all of you who know David’s journey - you know how powerful a testimony this is of God’s grace & goodness!" dagdag pa ni Karen.
Lahat ng proceeds ng mga artworks at photographs ay mapupunta sa Missionaries of the Poor.
Maaring bumisita sa naturang exhibit sa Vanguard Academy sa kahabaan ng Rockwell, Edsa, na siyang magtatagal hanggang Biyernes. — James Relativo