Anne nag-voice lesson para sa concert, ‘di ready sa lock-in
Noong Sabado ay nakabalik na si Anne Curtis sa It’s Showtime. Tuluy-tuloy nang muli ang trabaho ng aktres ngayon pagkatapos manganak mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.
Isang concert na rin ang pinaghahandaan ni Anne na gaganapin sa Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang Luv-Anne: The Comeback Concert sa June 11. “Mas marami siyang pasabog. I can say na medyo mas nag-mature ‘yung style. Siyempre hindi naman mawawala ang biritan diyan. But I will say na nakapahinga talaga ‘yung voice ko, gumanda talaga. I won’t say sobrang ganda pero may improvement. At hindi lang ‘yon, what’s great about now is I’ve been able to take voice lessons again. Talagang nag-prepare ako for this,” nakangiting pahayag ni Anne.
Puspusang paghahanda ang ginagawa ngayon ng aktres lalo pa’t dalawang taon din siyang hindi nakagawa ng mga proyekto sa show business. “I’m really preparing myself because it was two years of normalcy for me, of being a mom. The most singing I was doing was nursery rhymes. So I just needed that kickstart. Even the dancing, ‘yung pampalambot ulit ng katawan. So there was a lot of prep time. I’ve been doing it for several months now,” paglalahad niya.
Bukod sa pagiging TV host at concert artist ay nakaplano na rin ang pagsabak muli ni Anne sa paggawa ng pelikula. “In terms of films, parang Viva has been sending me different scripts. When we will shoot that, we’re still trying to figure it out. Kasi we’re still dealing with the pandemic kahit paano. Parang during that previous time kasi parang may lock-in pa na nagaganap ‘pag nagsu-shooting. And I wasn’t ready to do a lock-in and be away from my daughter. May mga konting adjustments that we’re still figuring out along the way. But at least the prep time is already there. I’ve been reading the scripts and eventually I’ll be able to take up an acting workshop again because I feel like I’m so rusty already. I’m really prepping in the different fields that I’m passionate about,” pagbabahagi ng aktres.
Ian, ngayon lang ulit nakapag-aksyon
Kahit abala na ngayon sa ginagawang pagkanta ay naisisingit pa rin ni Ian Veneracion ang pag-arte sa harap ng kamera. Bago magtapos ang taon ay posibleng mapanood sa Netflix ang isang bagong serye na pagbibidahan ng aktor. “I was in Iloilo for a month for a series called A Love To Kill. It’s a series for Netflix. Hopefully maganda ‘yung viewership no’n so we can do season 2 and season 3, hopefully,” bungad ni Ian.
Masayang-masaya ang aktor dahil muli siyang nakagawa ng isang proyekto na aksyon ang tema. Matatandaang maraming action films din ang pinagbidahan ni Ian noon. “Action series ito and na-miss ko gumawa ng action. Sobrang action ito, as in better than all the action movies I’ve done in the ‘90s. Because before we were limited by the technology available. We used film before. But now the technology is available. So grabe ‘yung freedom to move now. Now we have the freedom to pretty much do anything,” pagdedetalye niya.
Ayon kay Ian ay marami siyang nagawa sa bagong proyekto na ngayon lamang niya naranasan bilang isang artista. “Kasama ko sina Tito Joel Torre at Andrea Torres. ‘Yung mga action scenes namin grabe, iba talaga ito. ‘Yon ‘yung action scene na hindi ko magawa dati. But because nga of technology, ‘yung cameraman pwede nang tumatakbo sa likod mo kasama mo. ‘Pag nasa motor ako, ‘yung camera halos sumampa na sa akin para magawa namin ‘yung mga shots na before hindi kaya. ‘Yung fight instructor namin is from Singapore and we have a group of stuntmen na trained talaga for specific scenes,” kwento pa ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest