^

PSN Showbiz

Ivana, natakot kay Sam

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, natakot kay Sam
Ivana at leading men.

Bilang matagal nang crush...

Malapit nang mapanood ang teleseryeng A Family Affair na pagbibidahan ni Ivana Alawi.

Ayon sa sexy actress ay kakaibang karakter ang matutunghayan ng kanyang mga tagahanga. “Hindi ito si Ivana Alawi. It’s really a different person na. Kasi masayahin akong tao. Meron kaming similarities ni Cherry Red pero very deep itong story na ito. So you will see a whole different Ivana because this is very deep, very intense. ‘Yung story talaga niya is sobrang ganda. So ang dami mong makikitang emotions it’s a very, very different Ivana. Sa vlog nakikita n’yo ‘yung tunay kong ugali. Pero this is more of a dramatic, sensual and ibang klaseng Ivana,” pagbabahagi ni Ivana.

Sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake at Sam Milby ang mga makakatambal ni Ivana sa bagong serye.

Aminado ang sexy actress na matagal na niyang crush si Sam kaya nakaramdam ng takot na makaeksena ang aktor. “Kasi pinapanood ko na sila before, si Gerald and Sam. So I was very excited to work with them. Si Sam crush na crush ko siya dati. Napanood ko siya sa mga movies at teleserye niya sa ABS-CBN. Kaya nga natatakot ako, siyempre ‘pag naging crush mo isang tao tapos makakatrabaho mo, feeling ko nga very intimidating siya. Pero hindi pala, kabaligtaran pala. Natatakot ako na makaeksena siya. No’ng first time naming nagkita, puro siya biro. Gusto niya comfortable kaming lahat,” kwento ng dalaga.

Seth, suportado sina Andrea at Ricci

Nasaksihan ni Seth Fedelin ang ginawang pagsuporta ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magic 30th All Star Games noong Linggo. Pinanood ng sikat na basketbolista ang volleyball game kung saan naglaro aktres.

Matatandaang naging magka­sintahan noon sina Seth at Andrea at ngayon naman ay ang sikat na basketbolista na ang karelasyon ng dalaga. “Wala naman kasing issue ‘yon. Kung sino ang gusto ng isang tao, wala namang issue ‘yon. Ang gagawa lang siguro no’n ‘yung mga taong nagdedesisyon para sa mga buhay ‘di ba? Support na lang siyempre. Masaya siya do’n so ba’t tayo mangingialam? Masaya sila,” makahulugang pahayag ni Seth.

Iba’t ibang isyu ang kinasangkutan ng mga miyembro ng Gold Squad na kinabibilangan nina Seth at Andrea, Kyle Echarri at Francine Diaz nitong mga nakaraang buwan.

May bulung-bulungan na posibleng mabuwag na diumano ang grupo o ang kanya-kanyang tambalan. “Wala namang problemang hindi naaayos. Basta kaming apat, magkakaibigan. Siyempre sa magkakaibigan merong hindi pagkakaintindihan. Hindi naman maiiwasan ‘yon eh. Pero walang problemang hindi naaayos. In the end, nasa isang bahay lang kayo eh, ABS-CBN tayo so lagi tayong magkikita. Basta alam naming apat kung ano ‘yung nangyari, alam namin ‘yung mga dala namin sa loob sa mga puso namin. So nagkakaintindihan kaming apat,” giit ng aktor.

Kamakailan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Andrea at Francine na nag-ugat sa matinding bangayan sa social media ng kanya-kanyang mga tagahanga.

Nakiusap si Seth na kung maaari ay tigilan na ng netizens ang mga negatibong komento tungkol sa kanyang mga kaibigan. “Sa mga SethDrea maraming salamat dahil patuloy n’yo kaming minamahal and patuloy n’yo kaming sinusuportahan. Tama na tayo sa mga problema. Kaming apat alam namin ang nangyari. Enough na po, mahal namin ang isa’t isa. Sana magmahalan tayo. Hindi lang sa mga SethDrea, sa lahat ito. Iwas lang sa mga salitang binibitawan dahil minsan hindi na tama at sumosobra na. Lalo na kapag ang mga pinagsasalitaan ay mga babae, paggalang na lang at respeto. Itatak natin sa isip natin na mga babae sila,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with