Issue na naman na hindi nakasama sa libing ni Susan Roces si Sheryl Cruz. Gaya rin ng naging issue noon na hindi siya nakita sa burol ng ama na si Ricky Belmonte.
Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyayari ito, ang hindi niya pagpapakita sa mga panahon na dapat nandu’n siya. Sa kultura kasi ng mga Pilipino malaking bagay ito, kaya hindi nila maisip paano ‘yun nagagawa ni Sheryl.
Si Sheryl lang ang puwedeng sumagot nito, siya lang ang may alam kung bakit.
Pero anuman ang dahilan na ibigay niya, tiyak na magkakaroon pa rin ng issue, dahil hindi mo ma-imagine na dalawang tao na very close sa kanya ang hindi niya sinamahan sa huling sandali.
Hindi malimutan ng lahat na wala siya sa burol ng kanyang ama na si Ricky kaya siguro hinanap siya sa libing ni Susan.
Dahil parte rin ng showbiz si Sheryl kaya hindi mo maitago ang pagkawala niya sa libing.
Rest in peace, Manang Inday, at least alam mo ang dahilan kung bakit wala si Sheryl.
Ikaw ang mas makakaalam ng reason, at sana matanggap mo ang valid na dahilan niya.
Fan club, OA ang pagsuporta sa idol
Naku, Salve, natatakot si Gorgy dahil narinig niya na isang fan club ang magre-report sa Instagram account ko. Wala naman akong maisip na dahilan dahil fair naman ako sa star na idol nila. Never akong gumamit ng harsh word o anumang tungkol sa star nila.
In fact, ‘pag may issue ang isang star sa akin, mas gusto ko pang huwag siyang isulat o pansinin. Kaya nagtataka ako kung bakit magri-react ng ganun ang naturang fan club.
Very petty naman, puwede namang i-block out ko na lang kesa pansinin pa. Kaloka naman na hanggang ngayon sobra pa ring sensitive ang ilan sa mga nasusulat ko na isang 75 years old na pang-alis boredom na lang ang IG at column ko dito sa PSN na ginagawa.
Huwag namang masyadong seryoso at isiping mabuti ang mga binabasa at huwag lagyan ng malisya para hindi ma-stress. Ewan ko kung compliment na maituturing na hanggang ngayon affected pa rin ang iba sa opinyon ko, na akala ko pa naman wala nang dating dahil nga matanda na ako, pero ito pa rin, may mga naapektuhan pa rin.
So sorry, pero what can I do, talagang ganun ang buhay, kanya-kanya tayong diskarte, heto ako, take me for what I am, at huwag nang mapikon pa noh!