^

PSN Showbiz

Philippine adaptation ng Flower Of Evil ng ABS-CBN, mapapanood sa 16 markets ng Viu

Pilipino Star Ngayon
Philippine adaptation ng Flower Of Evil ng ABS-CBN, mapapanood sa 16 markets ng Viu
Flower Of Evil.

Ibinalita ng ABS-CBN at Viu ang pagpapalawak ng kanilang partnership sa pag-adapt ng sikat na South Korean thriller drama na Flower of Evil sa 16 markets sa Asya, Middle East, at South Africa.

Ang pinaka-aabangang serye na ito ang unang Viu Original Adaptation mula sa Pilipinas, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Ito ay mapapanood sa Viu, 48 oras bago ito ipalalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas.

Ibinahagi nina Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN Entertainment, Cory Vidanes at Viu Philippines Country Manager, Arianne Kader-Cu ang kanilang excitement para sa proyekto, na unang Kapamilya drama series ni Lovi, at unang serye ni Piolo mula noong 2018.

Sabi ni Arianne, “Testament to our commitment to bringing the best premium Asian entertainment to Viu-ers, we are happy to work with ABS-CBN once again to bring the Philippine adaptation of Flower of Evil to all of Viu’s 16 markets. This latest offering puts Filipino talent front and centre in the way we do storytelling, supported by a powerhouse cast and a world-class production team.”

Sabi ni Cory, “Our partnership with Viu on the local adaptation of Flower of Evil is a major milestone for ABS-CBN Entertainment. This is an opportunity for us to showcase excellent Filipino content and talent to the global audience in the 16 markets of Viu.”

Dagdag pa niya, “Our local adaptation of the Korean hit love story Flower of Evil, a compelling and powerful narrative on love for family, search for truth and justice, is the unanimous choice to open our regional partnership with Viu.”

Kasalukuyang nasa production ang Flower of Evil at malapit na malapit nang mag-premiere. Susundan nito ang kwento ng isang misteryosong lala­king itatago ang totoong pagkatao at nakaraan niya mula sa misis niyang police detective. Ngunit nang mapunta sa misis niya ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas, kailangan nitong harapin ang posibilidad na isang mamamatay-tao ang mister niya.

Ang seryeng ito ay pinagbibidahan din nina Agot Isidro, Edu Manzano, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joko Diaz, at JC de Vera.

Una nang ipinalabas sa Viu ang seryeng The Broken Marriage Vow ng ABS-CBN bilang bahagi ng kanilang kolaborasyon upang maghatid ng premium Asian entertainment sa mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo.

6.6, may super sale

Kalagitnaan na agad ng taon. Kaya naman ito na ang tamang oras, para bigyan ng reward ang ating sarili at muling mag-recharge para sa darating na kalahating taon ng 2022.

Sakto dahil naglunsand ang Shopee ng 6.6-7.7 Mid-Year Sale.

Upang simulan ang mid-year sale, umasa ang mga mamimili sa ‘Mas Mura sa Shopee’ deal at tiyak na masisiyahan sa ?66 deal buong araw, shipping discount voucher, at 10% off araw-araw kapag nagdagdag sila sa cart at checkout mula sa Mayo 27 hanggang Hunyo 8.

Naglunsad din ang Shopee ng bagong in-app na laro sa oras para sa 6.6.

Binibigyan ng nasabing shopping app ng higit pang dahilan para ma-enjoy ang 6.6-7.7 Mid-Year Sale. Ang laro ay magiging available sa Hunyo 1, kung saan ang mga user ay tatanggap ng mga pang-araw-araw na premyo kabilang ang mga ShopeePay credits, Shopee coins, Shopee voucher, at ang pinakabagong mga dapat na gadget kapag naglaro at nanalo sila!

Hello 6.6...

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with