^

PSN Showbiz

Bubble... ginawan ng mga bagong segment, Michael gustong bumawi sa susunod na eleksyon

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bubble... ginawan ng mga bagong segment, Michael gustong bumawi sa susunod na eleksyon
Michael V.

Mas marami pang tawanan sa award-winning at longest-running Kapuso gag show ng GMA Network, ang Bubble Gang, sa kanilang relaunching umpisa ngayong Biyernes, Mayo 27.

More than 27 years na silang walang sawa sa paggawa skit at sketch sa komedya habang matagumpay na nagbibigay daan para sa pagtuklas at pagpaparangal sa mga mahuhusay na komedyante.

“‘Yung platform kailangan intindihin natin, hindi pwedeng TV show na lang tayo. Ang daming platforms sa social media so I think, since trying to stay relevant yung show, siguro pati ‘yung platform na pinaglalabasan niya dapat maging relevant din. Hindi na lang TV ang ini-infiltrate natin ngayon kung hindi pati social media na rin. At the same time pabalik rin, yung mga nasa social media pwede natin ilagay dito sa TV show. So, maganda ‘yung working relationship ng TV show at nung audience,” pahayag ni Bitoy.

Kasama ni Bitoy ang Kababol mainstays na sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Baro, Faye Lorenzo at Kokoy de Santos.

At ang mga bagong member ng cast: Faith da Silva, StarStruck 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon, Dancer-YouTuber Dasuri Choi, at ang comedian na si Tuesday Vargas – na pawang excited na sumali sa kasiyahan.

Kasabay ng relaunch ang brand-new segments and gags nila.

Nangunguna ang ‘Maritess United’ (lahat ng babaeng cast na pinamumunuan ni Valeen Montenegro) na gossip mongers ay nagsasama-sama tulad ng isang sikat na superhero team kung saan pinalalaki ang “kapangyarihan ng tsismis” upang palakasin ang mga tawa.

Another new segment ang ‘Patibong’ na nagpapakilala ang character ni Glen Gatchalian (Paolo Contis) na tumutulong sa mga nagrereklamo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bitag upang siloin ang mga suspek. Sa kanyang paglalantad, ang kanyang pamamaraan ay simple – maghanda ng isang bitag at maghintay na may makakagat.

Samantala, ipinakita ng ‘Bes Friends’ ang gal pals na sina Ella (Sef Cadayona) at Olivia (Kokoy de Santos). Palagi silang nagsasama-sama upang magbahagi ng mga makatas na balita tungkol sa kanilang mga kaibigan o pag-usapan ang anumang bagay under the sun.

At sino ang mga tao sa iyong kapitbahayan? Aba, mga ‘Istambay’! Ang segment na ito ay niloloko ang mga bystanders o ang mga tumatambay sa paligid ng mga sari-sari store na kumakanta tungkol sa mga pang-araw-araw na bagay tulad ng mga bard noon.

The new Bubble Gang is under the helm of multi-talented director Frasco Mortiz na talagang excited na maging bahagi ng flagship comedy program ng Kapuso Network.

“When they got me to direct the show, nung pumasok ako may efforts na talaga to do something new and ‘yung secret doon sa longevity ng show is the ability of the show to change with the times. For me as an outsider before noong hindi pa ako part ng GMA, ‘yun yung nakikita ko kasi talagang nage-evolve ‘yung show and part ng evolution na ‘yun ‘yung mga changes na ginagawa. Never-ending process siya kaya naniniwala ako na ‘yung Bubble Gang, talagang magtatagal pa siya,” shares Direk Frasco na anak ni Direk Bobot Mortiz.

Spend your Friday nights laughing with the gang in Bubble Gang, now on an earlier time slot at 9:40 p.m.

And speaking of Michael V., paalala niya sa mga hindi pa tanggap ang pagkapanalo ni incoming President Bongbong Marcos na bumawi na lang sila next election.

Gumawa uli siya ng tula at bahagi nito :

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;

“Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;

““Quiet” na lang muna kesa “Sugod!” o “Maghiganti!”

“Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“United we stand, divided we fall.”

“Lahat ng talong kandidato, napapa-“sana all”.

Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll

“Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.

“Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.

“Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…

“Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!”

BUBBLE GANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with