^

PSN Showbiz

Ate Vi, nasubaybayan ang mga teleserye nung lockdown

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, nasubaybayan ang mga teleserye nung lockdown
Vilma Santos.

Nagpahayag ng kalungkutan ang Star for All Seasons at movie queen ding si Vilma Santos-Recto sa naging pagpanaw ng aktres na si Susan Roces, at sinabi niyang mala­king kawalan ito sa industriya.

Ayon kay Ate Vi na bagama’t limitado na ang mga ginagawang role at bihira na ring lumabas si Susan maliban sa Ang Probinsyano, iyong inspirasyon na naibibigay niya sa mga bagong artista ay napakalaki at iyon ang malaking dagok sa industriya.

“Pag may nawawalang isang mahusay na artista, nababawasan ang inspiration ng iba na gumawa pa ng mas magagandang pelikula. Kasi habang nabubuhay pa sila, napag-uusapan ang kanilang magandang attitude, ang kanilang propesyonalismo, at kung papaano nila ginawa ang mga magagandang eksena sa kanilang mga pelikula. Pero kung nawala na sila at hindi na napag-uusapan, ano ang gagamiting standard ng mga baguhan artista,” komento ni Ate Vi.

Binigay niyang halimbawa noong panahong nagsisimula pa lamang sila nina Rita Gomez, Charito Solis at iba pa. Buhay pa rin noon ang isa pang movie queen na si Carmen Rosales.

“At kaming mga bata pa noon, nasasabi na­ming ganyan ang ginawa ng mga malalaking artista noong araw. Kumbaga may tinitingala kami.

“Halimbawa ngayon, sinasabi sa mga mas bata, ganyan ang accomplishments nina Susan Roces at Amalia Fuentes. Kung wala na sila, wala na ngang batayan ng mahusay na artista,” sabi pa ni Ate Vi.

Ano ba ang palagay niya sa mga bagong artista naman ngayon? “Sa loob ng dalawang taong lockdown, nakapanood ako ng maraming pelikula at marami ring serye. Ang tingin ko iyang bagong batch, may potential talaga, kailangan lang ang mga producer na mamuhunan ulit.

“Kailangang maibalik ang mga pelikulang Pilipino sa mga sinehan. Nakakatulong pero hindi mabubuhay ang industriya sa internet, kaya kailangang pagsikapan nating makagawa ng pelikulang ilalabas sa sinehan,” ang paniniwala pa ni Ate Vi.

Mga iba pang anak ni cesar, alam na noon pa sa showbiz

Finally, inilabas na rin ni Cesar Montano ang kanyang tatlong anak sa kanyang live-in  partner na si Socorro Angeles nang gumawa silang mag-aama ng birthday greetings para sa kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego.

Matagal ding natago ang tatlong anak ni Cesar kay Kath.

Hindi man nila agad inamin iyon, common know­ledge na yun sa showbusiness. Bukod sa tatlong anak sa kanyang live-in partner, nabuntis din ni Cesar ang beauty queen na si Sandra Seifert, matapos na magkahiwalay sila ng asawang si Sunshine Cruz.

Wala pa namang pinakakasalan si Cesar kahit na matagal na ring annulled ang kasal nila ni Sunshine.

Iyong kanya namang unang asawa ay matagal na ring namatay.

Aktor may malas sa eleksyon

Inasahan na ni male star ang nangyari sa kanya ngayon. Iniwan na siya ng kanyang gay politician lover matapos na matalo noong nakaraang eleksiyon.

Hindi na rin naman bago sa kanya iyan.

Nagkaroon na rin siya ng isang gay politician lover noon na iniwan din siya matapos na matalo sa eleksiyon at sinasabi pang siya ang malas sa career noon.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with