Ang hindi pagkain ng ‘masasarap’ ang isa sa mga sikreto ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces kaya’ t napapanatili niya ang pagiging ‘face that refreshes’ hanggang 80 years old.
“Sabi ng doktor, lahat ng masarap tanggalin mo. Puwede kang kumain ng kahit gaano karaming seafood pero alisin ang aligi, ‘wag mong kakainin ang ulo ng hipon o ‘wag mong kakainin ang tiyan ng bangus,” kuwento niya sa isa sa mga huling interview namin kay Lola Flora ng Ang Probinsyano sa renewal niya ng contract bilang RiteMed ambassador noong 2018.
Anong puwede niyang ibigay na advice sa mga artista natin ngayon para maging successful ding tulad niya?
“Sa panahon ngayon mahirap magbigay ng pangaral, advice, etcetera. Especially unsolicited advice. So wala akong advice, I am not willing to give advice, I just share whatever I had went through experience,” aniya na Jesusa Sonora Poe sa totoong buhay.
Pagdating naman sa issue ng depression, religion and family, ang nakikita niyang solution para hindi ito maranasan ng mga taong nagiging biktima nito ay ang Diyos.
“Whether it be catholicism, whether it be Buddism, those who call their God Allah, Buddha, they have many names. But that’s only one.
“And when we are alone and feeling lonely, by ourselves thinking that there’s nobody else, we call on God.
“We call on God. We bent our anger, our loneliness, our depression on Him..
“We continue to hope and hold onto Him, that is our saviour.
“I think religion is a very big factor.
“Religion is very important. Nowadays, people are too busy doing their thing - to earn a living, to be able to live comfortably. Especially nowadays, there are many material needs.
“We all go through that every day. So we need our religion,” banggit ng namayapang actress na kilalang madasalin sa naging interview namin.
Pumanaw noong Biyernes ng gabi ang nag-iisang reyna ng Philippine Movies sa edad na 80 years.
Si Sen. Grace Poe ang nagkumpirma sa pagyao ng nag-iisang Susan Roces.
“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.”
Gaganapin ang wake sa Heritage Memorial Park, umpisa ngayong Sunday up to Tuesday, 10 a.m. to 10 p.m.
Ipinaalala sa lahat ng mga makikiramay na sundin ang safety protocols – magsuot ng mask during service at observe social distancing.
Magkakaroon ng announcement ang interment.
Sa mga makikiramay naman virtually, magpo-provide sila ng Zoom link para sa daily masses.
Kapiling na niya si Da King - naunang pumanaw noong Dec. 14, 2004 si Fernando Poe Jr. sa edad na 65.
Mahaba ang listahan ng mga nagawang pelikula ng legendary actress na taong 1968 nang ikasal kay FPJ.
Eighty one years old na sana siya sa July 28.
Anyway, agad ding naglabas ng statement ang ABS-CBN kung saan siya huling napanood : “The ABS-CBN family and the entire cast and crew of FPJ’s Ang Probinsyano led by Coco Martin deeply mourn the passing of legendary actress Ms. Susan Roces. We extend our deepest sympathies to Sen. Grace Poe and her family.
“For many years, she has instilled the values of love, faith, and hope with her loving portrayal of Lola Flora in FPJ’s Ang Probinsyano.
“Tita Susan was an exemplary icon, who was a source of inspiration and strength as she served the Filipino people.
“We will continue to honor her legacy as the Queen of Philippine Movies and as one of the beloved pillars of the entertainment industry.
“Hindi ka namin malilimutan, Tita Susan. Maraming salamat at paalam, aming mahal na Kapamilya.”
Samantala, nag-post din ng kalungkutan si Lovi Poe. “I write this post with a heavy heart. We’ve truly lost a gem and one of the beloved pillars in the industry. My love and prayers to Ate Grace and the whole family...”
Bumaha ng tribute at pakikiramay...
Ayon kay Angel Locsin maraming ibinigay na payo sa kanya si Manang Inday (tawag sa kanya ng mga taga-showbiz) na nakatrabaho niya sa Mano Po ng Regal Films.
“The Queen and The King.
Unang kong nakita si Ms. Susan sa set ng “Mano Po 2”. Maliit lang ang aking role at nahiya naman akong magpa-picture. Then sa isang sitcom with Tito Dolphy, masuwerte ako na maging guest. Maliit rin naman ang role, pero hindi ko na pinalagpas ang opportunity at nagpapicture na talaga ako! Napaka-totoo, regal, makatao, mahusay, maalaga. Sayang at nag crash ang laptop ko :( Hindi ako nagkaroon ng mahabang pagkakataon na makatrabaho ang isang Susan Roces, ngunit nabiyayaan ako ng mga sandaling makausap at makasama ang isang reyna. Ang respeto at paghanga ko sa kanya ay napakataas. Ang mga payo at paguusap namin ay aking panghahawakan. naalala ko, during mulawin, nagpapadala si tita Susan ng cheese pimiento sandwich for us. Nakikiramay po ako sa pamilya at sa lahat po ng nagdadalamhati ngayon.”
Si Judy Ann Santos ay nagpapasalamat : “Nakakalungkot… pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag iisang reyna ng pelikulang pilipino.. your generosity, your genuine love and words of wisdom.. yung pag spoil mo sakin sa taping ng probinsyano, yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo.. yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay.. at higit sa lahat.. yung tunay na pagmamahal at pakikipag kapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan.. lahat ng itinuro mo sakin.. sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang asa industriya natin.. rest in peace tita susan..” Sa post naman ni Bea Alonzo ay binanggit niya rin ang mga natutunan kay Ms. Susan. “The entire industry is grieving and you will be missed, Tita Susan.
“You have taught me so much in a short time that we worked together. Naaalala ko pa nung sinabi mong kapag masama ang loob ko, isulat ko lang sa papel lahat ng galit ko, at sa isa pang papel, isulat ko naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko, at bago pa man akong matapos magsulat, mawawala na ang galit ko. Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin po ito.
“Thank you so much for your wisdom, humility and generosity.
“You are loved, our queen.”
“Rest in peace.”