Legal Wives, mapapanood na sa Netflix!
Mapapanood na sa Netflix Philippines ang isa sa top-rating family drama series ng GMA 7 na Legal Wives simula sa May 20.
Ang nasabing programa na napanood last July 2021 sa Kapuso network ang ika-7th GMA content sa nasabing popular video streaming platform. Nauna nang naipalabas dito ang Descendants of the Sun, I Can See You, Love of my Life, Owe My Love, Heartful Café, and Family History.
Bida rito ang Kapuso Drama King Dennis Trillo as Ismael Makadatu, an honorable man from a well-off Mranaw family who will equally love three women out of obligation, dedication, and compassion; Alice Dixson as Amirah Alonte, the virtuous and pious daughter of a sultan and Ismael’s first wife; Andrea Torres as Diane San Luis, Ismael’s second wife who is a feisty modern Catholic woman who will go to great lengths to fight for herself and Ismael’s love; Bianca Umali as Farrah Valeandong, a smart and innocent lady who becomes Ismael’s third wife in hopes of saving her family’s reputation.
Kinunan sa Lanao del Sur, nagsimula ang kwento sa isang Mranaw na nagngangalang Ismael (Dennis) mula sa mayaman at marangal na pamilya ng Makadatu. Bagama’t isang debotong Muslim at isang muezzin (server of the mosque), si Ismael ay nahuhulog kay Diane (Andrea), isang dentista na bahagi ng Katolikong minorya sa kanilang probinsya, at inilalayo niya sa kanyang pamilya dahil siya ay itinuturing na isang hindi mananampalataya.
Sa isang biglaang pangyayari, si Ismael ay nasangkot sa isang awayan ng angkan na humantong sa kanyang kasal sa biyuda ng kanyang kapatid na si Amirah (Alice). Sinundan ni Ismael ang nasiraan ng loob na si Diane sa Maynila at sinubukang ligawan nang hindi alam ng kanyang mga magulang. Nang magsisimula na ang dalawa sa isang masayang pagsasama, isa na namang alitan ang sinalubong ni Ismael. Sa kanyang pagbabalik sa kanilang probinsya, humingi ng tulong ang kanyang kaibigan – na labis niyang pinagkakautangan – upang mailigtas ang reputasyon ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Farrah (Bianca), ang kanyang anak na nasangkot sa isang iskandalo.
Ang mga eksena ay may gabay ng mga Muslim Consultant na sina Sohaimen Agal, Imam Mohammad Miphantao, Imam Abu amen Abdullah, at Ustadh Alinor Pansar; Islamic Script Editor Salem Guimba; at Costume and Muslim Language Consultant Princess Nurfathma Egypa Balindong ayon sa GMA 7.
- Latest