Sharon, co-producer ng sariling pelikula
Bukod sa pagiging bida ay magsisilbing Executive Producer din si Sharon Cuneta para sa pelikulang The Mango Bride. Hango ito sa isang nobelang nanalo sa Carlos Palanca Memorial Awards noong 2011.
Ang kwento nito ay tungkol sa dalawang Pinay na sina Amparo at Beverly na kapwa nanirahan sa Amerika. “Our main Executive Producers are Singapore-based. They’ve produced some Hollywood movies already. I have yet to meet them in person. And then my other co-Executive Producer is actually my manager who has been producing movies in Hollywood for 20 years already. This is a Palanca award-winning novel that I read a long time ago and I’m re-reading now because it’s different when you know which character you’re playing. So we’re trying to make a nice cast. It’s a teamwork every time we make a movie. So everyone has to be good in their role,” pagbabahagi ni Sharon.
Ayon sa Megastar ay kaabang-abang din ang iba pang makakasamang artista sa bagong pelikula. “’Yung younger lead actors na ino-offer-an pa kung o-oo ay sila ‘yung nasa America. ‘Yung isa anak ng character ko, ‘yung isa anak ng amo ko. Kasi nagtatrabaho ako nang matagal na sa pamilyang ito na mayaman, Forbes Park, parang ganyan, na ako ‘yung nagpalaki sa mga bata. This one character na anak ng amo ko, pinaalis dahil sa isip ng mama niya binigyan ng kahihiyan ‘yung family. ‘Yung anak ko naman, pupunta ng America for another reason, for a better future. Tapos for some reason magkikita sila. Magiging important sila sa movie na ito,” pagdedetalye ng aktres.
Matagal-tagal nang hindi nakagagawa ng pelikula si Sharon. Para sa Megastar ay talagang maipagmamalaki niya ang bagong gagawin sa mga manonood sa buong mundo. “It’s the best project to present to a global audience about and made by Filipinos. Kasi delayed na tayo. Lahat tayo nag-i-English dito, ‘di ba? Magaling tayo, we’re like India, we’re the only ones who speak English. Kahit sinong Filipino kausapin mo kahit broken English nakakaintindi ng Ingles and it’s well-spoken and much used. Parang we knew it was really important na ‘yung movie has ‘yung identity ng Pinoy. Hindi ‘yung sasali ka lang sa Hollywood movie. We wanted it to be made by and starring Pinoys, with Pinoy stories. I’m going to start shooting end of the year,” paglalahad ng Megastar.
Anak ni Sunshine, gustong gumawa ng sariling pangalan
Taong 2017 nang pasukin ng anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz ang show business. Nangangarap ang dalaga na makilala rin sa kanyang sariling kakayahan sa industriya kung saan sumikat ang mga magulang. “For me po, I want to be known as a person who is authentic. Not purely just known as ‘Anak ni…’ I also want to carve a name for myself as well,” bungad ni Angelina.
Napapakinggan ngayon sa pamamagitan ng Spotify, YouTube Music, Apple Music at iba pang digital platforms ang kanta nina Angelina at Timmy Albert na Roses & Sunflowers. Napapanood na rin ang music video nito sa pamamagitan ng YouTube. “The experience working with Timmy and recording ‘yung song, sobrang gaan siya to work with. He was able to help me and guide me all the way. Of course, it’s such an honor na maka-duet si Timmy in this song because marami siyang streams. So to be able to be with him, to work with him on a duet, on a newer version was really a great experience for me,” nakangiting pahayag ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest