Anak ni Robin Padilla na si Queenie hindi naiboto amang No. 1 senator
MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang aktres at anak ni presumptive Sen. Robin Padilla na si Queenie sa lahat ng sumuporta sa kanyang daddy nitong ika-9 ng Mayo — ito kahit na hindi niya naiboto ang sariling ama dahil hindi rehistrado.
Kasalukuyang numero uno ang "Bad Boy ng Pelikulang Pilipino" sa 12 senador na iproproklama ng Commission on Elections-Commission on Elections-National Board of Canvassers ngayong Miyerkules sa Pasay City.
"Congratulations again to papa!!!" sabi ni Queenie sa Facebook, Lunes, na nakilala sa pagganap sa ilang pelikula't serye gaya ng kanyang tatay.
"I was going to vote but since I wasn’t knowledgable of the voting procedure (registration prior to voting etc) I was too late to register and couldn’t vote (since I’ve never voted in my life)."
Umani si Robin ng nasa 26.61 milyong boto sa canvass report no. 7 ng poll body.
Matatandaang nagpakasal si Queenie sa Pakistani na si Usama Rashid Mir. Mayroon silang isang anak na babae. Gaya ng amang si Robin, pina-practice ni Queenie ang relihiyong Islam.
"On behalf of papa, I want to thank everyone the 26M who voted including the Filipina wives, their relatives of the Pakistani community, their workers, staff and the Pak-Phil Friendship Association for supporting papa," patuloy niya. — James Relativo
- Latest