^

PSN Showbiz

Kris Aquino aminadong 'life threatening' ang sakit pero hindi kritikal

Philstar.com
Kris Aquino aminadong 'life threatening' ang sakit pero hindi kritikal
Kuha ng aktres na si Kris Aquino, na kasalukuyang humaharap sa tatlong autoimmune conditions sa ngayon
Video grab mula sa Instagram ni Kris Aquino

MANILA, Philippines — Walang katotohanang ang usap-usapang "agaw buhay" na sa ospital ang aktres na si Kris Aquino — ito matapos daw kumalat ang balitang nasa intensive care unit (ICU) na siya ng isang ospital.

"'Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay, masyado kayong advanced... I'm not yet dead," wika ni Kris sa isang Instagram video na ipinaskil ngayong Lunes habang ipinaliliwanag na aalis siya ng bansa.

"Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko."

Kapansin-pansin ang biglaang pagpayat ng kapatid ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III at anak ni dating Pangulong Corazon Aquino nitong mga nagdaang buwan dahil sa pagbagsak ng estado ng kanyang kalusugan.

Marso lang nang ibalita niyang nasa 85 pounds (38.5 kilograms) na lang ang kanyang bigat.

"Ginusto ko na maka-lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH," dagdag pa ng tanyag na artista sa kanyang post.

"3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the ????????- meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."

Wala sa Pilipinas ang gamot

Bagama't inaasikaso siya ng mga doktor mula sa St. Luke's sa Taguig, Makati Medical Center, atbp., sinabi niyang hindi pa inaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang gamot na susubukang gamitin skanya kung kaya't kinakailangan niyang makarating agad sa Houston, Texas sa Amerika.

Susubukan na rin daw mag-infuse ng chemotherapy bilang kanyang immunosuppresant dahil sa allergic siya sa lahat ng steroids.

Ginagawa raw niya ito para sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh, na sana raw ay hindi na "bastusin" ng publiko sa social media.

"Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan," kanyang panapos.

Matatandaang sinuportahan ni Kris ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo ngayong 2022. — James Relativo

HEALTH

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with