Mikey rockstar sa duet nila ni Kean, ordinansang free medicines sa Quezon City ‘di naangkin ng iba

Mikey
STAR/ File

Hindi umubra ang mga umaangkin sa ordinansang pinasa ni Councilor Mikey Belmonte na ‘Expanded Free Medicine to citizens of QC of 2022.’

“Maraming umaangkin ng ordinansa nating ito, marami ang nagsasabing sila raw ang nagpanukala at nagpasa nito, ngunit ang hiling natin sa kanila; Imbis na angkinin ang ating efforts, magsinungaling at lokohin ang ating mga ka-distrito ay, makipag-tulungan nalang upang dumami pa ang makinabang,” pahayag ni Konsehal Mikey sa isang post.

Mahalaga ang resibo dagdag pa ng batang konsehal na papasang aktor. “Ang resibo ay ‘di lamang pagbibigay ng numero na “ito ang mga natulungan ko”. Ang konsepto ko ng resibo ay mga patotoo ng mga taong natulungan, mga salita mismo na nangga­ling sa benepisyaryo.

“Never nating makakalimutan ang ating mga seniors.   Hangga’t nasa public service tayo, aabutin natin ang pupwedeng maabot ng ating mga programa. Di naman mahirap ang magpatupad, ang kailangan mo lang, totoong puso para sa tao,” sabi pa ng apo ni former Speaker of the House Sonny Belmonte na malakas na malakas pa contrary sa sinasabi ng ibang mga kritiko.

At true enough, hindi pinaniwalaan ang mga umaangkin, number 1 councilor si Mikey sa District 2 ng Quezon City last election.

Nakita talaga ng mga taga-District 2 ang effort niya para tumulong na may kasamang sinseridad.

Kaya nga rockstar na rockstar si Mikey sa kanyang grand rally na ginanap sa Payatas before the election, May 5.

Talagang matinee idol ang dating lalo na nung nakipag-duet siya kay Kean Cipriano.

Wow, tilian lahat lalo na ang kababaihan.

Nakisaya rin sa nasabing grand rally sina Boobay, at ang mga stand-up comedian na sina Yvonna, Pepita Curtis and Angel.

All out din ang suporta kay Councilor Mikey ng mga magulang niyang sina Sir Miguel at Ma’am Millette Belmonte na nagpaabot din ng pasasalamat sa lahat ng mga bumoto kay Coun. Mikey.

Congrats, Coun. Mikey.

Show comments