Limitless ni Julie Anne, ipalalabas ulit

Rayver at Julie Anne
STAR/ File

Matapos manalo ng Silver World Medal at the 2022 New York Festivals TV and Film Awards, mu­ling mapapanood ang Limitless: A Musical Trilogy ni Julie Anne San Jose starting today, May 15, 22, and 29 on GMA.

Airing at 2 p.m. after All Out Sundays, ang nasabing three-part special gives viewers the chance to experience Julie’s musical journey beginning with Breathe, where she traveled to Mindanao; followed by Heal, na kinunan sa Visayas; and finally, Rise, which was set in Luzon.

Sa pagharap ng mundo sa hamon ng pandaigdigang pandemya, naisip ng Limitless na magbigay ng inspirasyon na huwag mawalan ng pag-asa.

Makikita sa magagandang tanawin sa mga ilang lungsod at probinsya ng Pilipinas, ipinaalala ng Limitless sa lahat na kahit sino ay maaaring maging walang limitasyon.

At sa katatapos na New York Festivals TV and Film Awards, pinatunayan ng GMA Synergy-produced musical ang world-class na kalidad nito nang nagtagumpay ito sa mga entry mula sa ibang bansa at nanalo nga ng Silver World Medal sa Entertainment Special: Variety Special category.

“Along with every Filipino, we have shown the world that with our unsha­kable strength and faith, we can rise above the challenges of this global pandemic. Our journey in Mindanao, Visayas, and Luzon has brought us to many heights, and we further brave our return to stage with our audience face to face. We continue to share these experiences through va­rious platforms to spark more hope and ignite even more courage to face each tomorrow,” Julie said in her acceptance speech.

Kasama sa naka-collaborate ni Julie Anne sa Limitless sina Christian Bautista, Jong Madaliday, Myke Salomon, Jessica Villarubin, and Rayver Cruz.

Creatively directed by Paolo Valenciano with Myke Salomon as the musical director, don’t miss Julie Anne San Jose’s breathtaking experience in Limitless: A Musical Trilogy on GMA Network, this May 15, 22, and 29, at 2 p.m.

Show comments