^

PSN Showbiz

Michael V., gusto nang manahimik!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Michael V., gusto nang manahimik!
Michael V.

Napuri si Michael V. sa ipinost niyang tula na pagtanggap sa pagkapanalo ni President-elect Bongbong Marcos.

Aniya, pula talaga ang nanalo.

Ang kulay pula ang campaign color ng nanalong bagong pangulo ng bansa.

Pero meron din naman, hindi nagustuhan ang kanyang ginawa, ang bilis daw sumuko ng Kapuso comedy genius.

“Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.

“Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.

“Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono

“Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko,” simula niya.

“Hindi politiko kundi hamak na artista.

“Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.

“Wala akong ambisyon na mamulitika.

“Baka manalo lang ako, hala, naloko na!,” sabi pa ni Bitoy.

“Comedy at entertainment” hanggang do’n lang ang ambisyon.

“Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”.

“Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon

“At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon,” pagpapatuloy niya.

“Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.

“Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:

“Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.

“Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.

“Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas.

“Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas.

“Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,

“Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas,” ang kabuuan nito.

Kung si Michael V. kasi ay tanggap na, marami pang hindi nakaka-move on sa naganap na eleksyon noong Lunes.

Proclamation na lang ang hinihintay nina President-elect Bongbong Marcos at VP Sara Duterte.

Anyway, nag-request sa followers ng UniTeam na magpalit sila ng kulay pulang profile photo.

Pero si Regine Velasquez ay itim pa ang profile photo for three days now.

Iba naman ang kaso ni Janno Gibbs.

Matapos mawalan ng 5K followers dahil sa pagiging loyal Kakampink, nagpasalamat naman siya dahil nadagdagan daw ulit ang followers niya : “Grabe kayo Kakampinks!!! Nawalan ako ng 5K Followers dahil sa prinsipyo. Ngunit pinalitan niyo ito ng 5K New Followers sa loob lamang ng isang araw. Maraming salamat din sa mga di nang-iwan kahit iba ang inyong kulay. Respeto para sa inyo #walangiwanan.”

Anyway, going back to Michael V., natanong siya kahapon sa ginanap na media conference para sa relaunch ng Bubble Gang kung ano ang secret at hindi sila pinagsasawaan samantalang ang dami ngayong platform na nagpapatawa rin? “Kung anong nangyayari sa paligid, ‘yun talaga ‘yung nire-reflect nung show,” aniya. “Pero that doesn’t mean na maiiwan na ganun lang. We have our creative license para gumawa ng additional content na sasaluhin naman ng society and social media. Kumbaga para siyang circle of life.”

Hindi na rin daw sila limited sa mga nangyayari sa paligid lang, kundi nag-adopt na rin sila sa mga ganap sa social media.

Twenty-five years na sa ere ang Bubble Gang.

 

MICHAEL V

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with