Pres. Duterte, tinawag na republic of Marites na ang Pilipinas!

‘Di na lang pang-showbiz...
Agree si outgoing President Rodrigo Duterte na republic of Marites na ang ating bansa. Sa kanya ngang public address ay nag-joke siya na isang bansa ng mga chikadora / chismosa ang Pilipinas.
“Kung gusto mo ng chismis, marami ako. Lahat ng ano… This is a republic of Marites na ngayon eh,” pagbibiro niya sa umereng taped briefing kahapon ng umaga.
“Lahat ng tao may tsismis, babae at lalaki. Noon sa mga babae lang ‘yan. Nag-aaway mga babae na pangalan Marites talaga,” na ikinatawa ng ibang cabinet members na andun sa briefing sa Malacañang.
“Magsabi doon sa classroom, Marites tsismosa. Lahat naman,” dagdag pa niya.
In all fairness, sumikat ang mga Marites noong kainitan ng kontrobersiya kina Paolo Contis and Yen Santos. Kanya-kanyang version ang mga Marites sa totoong nangyari kina Paolo at LJ Reyes.
Hanggang nasundan ito ng isyu kina Aljur Abrenica and Kylie Padilla.
Lumawak ang mga Marites hanggang ito na nga, sabi nga ni outgoing President Duterte, republic of Marites na ang ating bayan.
Nag-umpisa ang Marites sa Mare ano ang latest kaya ayon hanggang nadagdagan na at hindi na lang Marites ngayon.
- Latest