Ang Alamat ng Makulay kong Buhok

Grade school palang, aligaga na ako sa buhok ko. Gusto ko naka-gel. Umabot din ako sa punto na nagdadala pa ako ng hairspray sa school para sure na ‘di gagalaw ang hair ko! (may bitbit akong aquanet ha!) Bata palang ako, alam ko na ‘yung katagang: “Guluhin mo na ang Buhay ko, H’wag lang ang Buhok ko!” (pero ngayon ako na ang nanggugulo ng buhay ng may buhay! )

Nung nasa high school at college naman ako, nag-iipon talaga ako ng budget para makapagpagupit (with matching hair treatment ha!) sa medyo mamahaling salon. (kebs kung walang makain, basta maayos ang buhok!) Hindi ko rin naman sure if nakatulong sa image ko. (basta feeling ko, ang ganda ko!)

Nung magtrabaho na ‘ko, alaga pa rin ang hair lalo pa’t nag-o-oncam na ako as TV News Reporter. (dapat ala Korina o Tita Mel!) Naging medyo adventurous ako sa hairstyle nung mag-shift ako sa TV Hosting. (dapat ala Oprah na!)  Una kong na-ging hairstylist ay si Ayit Chiu ng Salon Le Vive. D’yan ako nagsimula magpakulay ng hair. (nagpaka-blonde pa ako ala Marilyn Monroe!) Nung mag-change career si Ayit (na imbyerna ata sa’kin!) nakilala ko ang Salon Expert na si Lucy Britanico. Unang pagkikita palang namin sa salon n’ya, ginawa na n’ya ako agad na “ambassador” ng Lucy Britanico Salon sa Glorietta hanggang sa sakupin ko na rin ang isa pa n’yang salon, ang Hairshaft Salon sa Podium. (naging close kami dahil super bait n’ya at medyo makapal naman face ko!)

Si Lucy noon ang personal na gumugupit sa buhok ko, hanggang sa ipinagkatiwala n’ya ako sa mga na-train n’yang mga stylists. Halos lahat sila dumaan sa’kin. (‘yung walang halong malisya ha!) Si Bamboo Ballesteros ‘yung isa sa mga matagal kong nakasama. 5 years ko s’yang hairstylist, pero maaga naging call time n’ya sa heaven dahil sa isang karamdaman. (cryola ako dyan!) Si Carl Dana ang sumunod kong sty-list. S’ya ‘yung may pakana ng mga iba’t ibang kulay kong buhok every two weeks.  (‘yung kulang na lang kalabanin ko ang mga peacock! ) 5 taon ko rin s’ya nakasama. (s’ya ang nagpakilala sa’kin ng kulay na turquoise para sa buhok ko!) Pero bilang nakapagpatayo na s’ya ng sarili n’yang salon, napunta naman ako ngayon kay Nico de Chavez na naka-assign sa Hairshaft Salon Vertis North.   Kaya sa rami nang humawak ng hair ko, na try ko na ang lahat ng kulay. (kulang ang rainbow colors sa mga nakarir ko!)

Mahigit 15 years na ‘ko sa Lucy Brita-nico Salon at Hairshaft Salon. Naging mabuting kaibigan ko na si Lucy at asawa n’yang si Fred, pati syempre ang buong staff nila. Kaya kahit napakarami na nilang hawak na celebrities ngayon, hindi nila ako pinapabayaan. (kulang na lang may rebulto ako sa bawat branch nila!)

Naniniwala ako na dapat ay may maganda kang relationship sa manggugupit mo. ‘Yung nagkakaintindihan kayo. ‘Yung makikinig s’ya sa gusto mo at makikinig ka rin naman sa suggestion n’ya. (lalo na minsan, buhok mo ang pinagdidiskitahan mo ‘pag may pinagdadaanan ka!) Mahalaga rin syempre na dumaan sa maayos na training ang hairstylist mo para mapangalagaan ang iyong crowning glory. (at ‘di ma-murder ang haireret!) Masaya rin syempre na kaibigan mo s’ya bilang regular mo s’yang nakakasama. (gupitan na may kasamang huntahan ng latest showbiz happenings!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITimg on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays)

(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com)

Show comments