^

PSN Showbiz

Arci, Claudine, Richard Yap at iba pa, talunan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Arci, Claudine, Richard Yap at iba pa, talunan!
Arci, Claudine at Richard Yap.

Maraming nanalo, pero marami rin namang natalong taga-showbiz sa nakaraang eleksyon.

At ito ang pinag-usapan sa Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon hosted by Nay Lolit Solis and Mr. Fu.

Sa mga hindi sinuwerte, nangunguna si Mayor Isko Moreno na hindi man active sa showbiz, identified naman sa movie industry lalo na nga’t ginawan ng musical film ang kanyang buhay –Yorme: The Isko Domagoso Story na ipinalabas sa streaming platforms last January.

Ganundin din si Sen. President Tito Sotto na tumakbo sa pagka-VP. 

Sa pagka-senador ay hindi pinalad si Monsour del Rosario III at Herbert Bautista.

For the second time, malungkot din ang kapalaran ng aktor na si Richard Yap na kumandidato sa 1st District of Cebu City bilang kongresista.

Natalo rin ang former actress na si Precious Hipolito-Castelo ng anak ni Raffy Tulfo na si Ralph sa second district ng QC.

Si Imelda Papin ay hindi rin nakalusot sa pagka-vice go­vernor ng Camarines Sur.

Masaklap din ang naging kapalaran nina Arci Muñoz na tumakbong councilor ng Rizal.

Ganundin sina Bobby Andrews (councilor, Quezon City); Dennis Padilla, (councilor, Caloocan City); Claudine Barretto (councilor, Olongapo); Angelica Jones (congresswoman of the 3rd district of Laguna) at maging ang beauty queen na si Shamcey Supsup (ARTE Partylist) and Mocha Uson and Michelle Gumabao (Mothers for Change Partylist).

Ganundin si Raymond Bagatsing na kumandidatong vice mayor sa Manila.

Sa mga nanalo, for the books ang pagwawagi ni Robin Padilla. As of wri­ting base sa unofficial and partial results, siya pa rin ang nangunguna sa pagka-senador. Talagang, massive ang boto niya kahit pa nga sinasabi ng kanyang mga kritiko na hindi siya qualified sa nasabing posisyon.

Mabilis namang nagpasalamat si Mariel Rodriguez sa mga bumoto sa kanyang asawa.

Number 2 si Sen. Loren Legarda and Number 3 si Raffy Tulfo. Kapwa sila TV and radio personalities bago pumasok sa pulitika.

Si former Senator Jinggoy Estrada ay pasok sa Magic 12 as of this writing.

Proclamation na lang ang hinihintay ni Arjo Atayde. Nanalo siya bilang congressman (Quezon City – District 1)

Si Cong. Lucy Torres-Gomez ay uupo nang mayor sa Ormoc City habang si Mayor Richard Gomez ang papalit bilang representative ng 4th district of Leyte.

From mayor to House Representative rin si Bacoor Mayor Lani Mercado; Bryan Revilla para sa Agimat Partylist; and Vice Governor Jolo Revilla na nanalo ngayong congressman sa isang distrito sa Cavite.

Si Daniel Fernando ay nahalal uling Bulacan Governor habang si Karla Estrada ay malamang magka-slot sa congress (under Tingog Sinirangan partylist group) dahil mataas ang nakuha nilang boto.

Sinuwerte rin sina Jason Abalos (board member of the 2nd District of Nueva Ecija); Ejay Falcon (vice governor, Oriental Mindoro); Javi Benitez, mayor (Victorias City, Negros Occidental) at si Albee Benitez ng Brightlight productions bilang Mayor ng Bacolod.

Ang iba pang nanalo ay sina Jhong Hilario (councilor, Makati City); Jomari Yllana (councilor, Parañaque); Lou Veloso (councilor, Manila); Yul Servo (vice mayor, Manila); Angelu de Leon (councilor, Pasig City); Aiko Melendez (councilor, Quezon City (District 5); Nash Aguas (board member, Cavite) and Vandolph Quizon (councilor, Parañaque City). 

Naudlot naman ang plano nina Anjo Yllana (congressman of the 4th District of Camarines Sur); Tom Rodriguez (Anak Mahar­likang Pilipino partylist);  Noli de Castro, and Nora Aunor.

Si outgoing Rep. Vilma Santos naman ay piniling mamahinga sa pulitika. Si Sen. Ralph Recto ang papalit sa iiwan niyang position na walang kalaban nang kumandidato.

Anyway, sa mga hindi nakapanood sa Episode 142 ng TITIMG, puwedeng maki-team replay sa social pages ng Pilipino Star NGAYON sa Facebook and YouTube.

 

RICHARD YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with