Gary V., Catriona, first time bumoto ate Vi nag-trending, nasilip ng mga marites ang balota!
Hindi lang sa kampanya naging aktibo ang mga celebrity.
Maaga rin silang bumoto at saka nag-upload sa kanilang mga social account.
Pabonggahan ng anggulo sa kanilang daliring may indelible ink na patunay na bumuto sila.
Bawal ang selfie sa loob ng presinto kaya’t paglabas lang sila nakaka-pictorial.
Nauna sa pagpo-post ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Jolina Magdangal and Mark Escueta, Kim Chiu, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Kathryn Bernardo, Maris Racal, Liza Soberano, Jodi Sta. Maria, Jasmine Curtis, Anne Curtis (na spotted ng nakasabay niya sa pila), Bea Binene at marami pang iba.
Actually, hindi lang ang mga celebrity ang na-excite bumoto. Bukod pa sa ang daming nagre-remind na bumoto para sa bayan.
At lahat yata ng phone app, may reminder na kahapon ang botohan.
May perks din pag nakitang may ink ka na. May offer na discount ang isang ice cream house, milk tea brand, coffee shop at iba pa.
Pero as usual, hindi naging madali para sa lahat ang pagboto. Maraming naging problema.
Maraming hindi gumanang vote counting machine (VCM) kaya maraming naghintay ng kapalit nito. May ilang nawala sa listahan ang pangalan. At ang karaniwang problemang paghihintay sa mahabang pila.
The usual na mga problema tuwing botohan.
Though hindi lahat ng lugar ay may isyu. Maraming lugar din naman ang naging smooth ang botohan.
Pero ang isang nakakagulat sa balota, mas marami pa ang list of candidates ng Partylist. Umabot sa more than 170. Occupied nila ang buong back page ng balota.
Samantalang ang president, hanggang sa local candidates, isang page lang din.
Grabe pala talaga ang bakbakan sa Partylist.
Dahil din sa social media, updated ang lahat sa pagboto ng mga kandidato.
Kumalat agad-agad ang pagpila ni VP Leni Robredo sa kanyang presinto sa Bicol.
Kaya naman puring-puri siya ni Angel Locsin. Aniya, kahit sanay siya bilang sikat na artista sa VVIP treatment iba raw ang naging karanasan nila sa kampanya : “Good example ka talaga Mam.”
Sa lahat ng campaign rallies nila na napuntahan ko, walang VIP passes or area. Backstage pass lang for talents and prod team. Simple lang ang mgq tents. Kahit kaming nga artista na sanay sa VVIP treatment, walang nagpa-VIP kasi kung siya nga napaka-simple, nakakahiya namang mas maarte ka pa ‘pag sa eroplano, economy ang ticket lang rin kami pag nag vo-volunteer mag ikot. Wala rin akong nakitang nag private plane or helicopter na inimbita. This is my observation. Sumunod kami by example, hindi dahil nasabihan :) Ang gandang example na pumipila kagaya ng lahat. Sumusunod sa rules. Walang mas nakakataas. Pantay pantay respeto sa mga pumipila at naiinitan an appreciation post sa lahat ng pumipila ng maayos at hindi nag pa VIP not a campaign post ??.”
Si Sharon Cuneta naman ay mahigit apat na oras pumila kasama si Vice Sen. Kiko Pangilinan. Aniya : Done voting!!! Happily stayed in line with other voters for just a few minutes short of four hours. Met so many nice people who had their pics taken with us. Maraming salamat po especially to all our volunteers, all our brave and patient teachers, and all our supporters! May Almighty God bless the Philippines!!!”
Marami namang nagulat sa inamin ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na first time niya na bumoto. “It was my FIRST TIME TO VOTE and I must say it felt quite patriotic. How I wish people would truly truly grasp the depth of importance a vote means.”
Wala pang sagot si Gary sa mga nagtatanong sa kanyang post kung bakit first time niyang bumoto.
First time voter din si former Miss Universe Catriona Gray. “First Time Voter. Praying for a safe, fair election and counting process over the next few days #Halalan2022.”
Nag-trending naman si outgoing Representative Vilma Santos.
Ito ay matapos i-zoom ng mga Marites ang picture sa kanyang balota. At ang big reveal daw, nag-switch ito kay VP Leni dahil nakita ngang ang last name for president ang may black shade niya.
Actually hindi naman sinasadya ang nasabing big reveal.
Ang fans na nasa paligid ng presinto niya ang nagkalat at talagang izinoom pa.
Wala atang folder na naka-cover sa balota ni Ate Vi.
Napabalita sa umpisa ng kampanya na si Manila Mayor Isko Lopez ang sinusuportahan ni Ate Vi na mas piniling mamahinga sa pulitika.
Spotted naman sa nasabing kumalat na balota ni Ate Vi na si Dr. Willie Ong ang binilugan niyang pangalan sa pagka-bise presidente.
Anyway, habang sinusulat namin ito ay mag-uumpisa pa lang ang bilangan dahil sa mga aberya sa VCM na takang-taka si Mel Tiangco ng 24 Oras kung bakit nagkaroon ng matinding problema sa VCM samantalang maraming oras ang COMELEC para paghandaan ang naganap na eleksyon.
- Latest