Kapalaran ng mga celebrity sa pulitika, binabantayan!
At least may idea na tayo ngayong gabi kung sino ang mga artistang sinuwerte sa eleksyon at kung sino ang luhaan.
Though nabawasan ang showbiz personalities na kumandidato ngayong botohan.
Mas marami sa kanila ang sumuporta lang sa kanilang mga kandidato.
‘Officially retired’ na si Star for All Seasons Vilma Santos. Unless, mag-comeback siya next election.
Naunsyami rin ang planong pagbalik ni Nora Aunor sa pulitika.
Mas pinili ni Ate Vi na mamahinga at maging vlogger pagkatapos ng kanyang pagiging mayor, governor and representative of Lipa kahit may offer siyang kumandidatong vice president.
Si Ate Guy naman ay common knowledge na ni-reject ng COMELEC ang tinatag na partylist.
Hindi rin natuloy ang kandidatura ni Anjo Yllana sa Bicol dahil diumano sa naging isyu sa funding. Kakandidato sana siyang congressman sa isang distrito sa Bicol.
Wala rin si Edu Manzano na nung last election ay kumandidato sa San Juan.
Ganundin si Kabayan Noli de Castro na biglang umatras matapos mag-file ng certificate of candidacy sa pagka-senador.
Hindi katulad nung mga nakalipas na eleksyon, ang daming mga celebrity na kandidato.
Anyway, ngayon na talaga ang moment of truth pagkatapos ng mahaba-habang kampanya na parang nagkaroon ng magic dahil biglang nawala ang hawaan ng COVID-19, magkakaroon na tayo ng bagong presidente pagpasok ng June.
- Latest